Loading...
HomeMy WebLinkAbout8-acbhd-strategic-plan-tagalog – KOMUNIKASYON MULA SA TANGGAPAN NG DIREKTOR NG BHD – PARA SA: Mga Stakeholder ng Komunidad MULA KAY: Karyn L. Tribble, PsyD, LCSW Direktor ng BHD ng Departamento ng County ng Alameda sa Kalusugan ng Pag-uugali (Alameda County Behavioral Health Department Pagbati, Mga Stakeholder ng Komunidad, Mga Katuwang na Partner, at Mga Kasamahan: Nasasabik akong ipahayag ang makabuluhang tagumpay para sa ating organisasyon: ang opisyal na paglabas ng Ulat ng Estratehikong Plano ng ating Departamento! Sa nakaraang ilang linggo, ipinamamahagi natin ang mahalagang update na ito nang sa gayon ay maihatid ang kamalayan at transparency sa komunidad. Noong Marso 13, 2024, inilahad ng ating departamento ang pangkalahatang-ideya ng Ulat na ito sa Komite sa Kalusugan ng Lupon ng mga Tagapangasiwa ng County ng Alameda (Alameda County Board of Supervisors’ Health Committee). Kabilang sa nakumpletong Estratehikong Planong ito ang mga kritikal na pananaw ng mga komunidad, ng panloob nating ahensya, ng mga panlabas na stakeholder, ng mga pinuno ng county, at ng mga partner na organisasyon; at itinatampok nito ang landas tungo sa matagumpay na integrasyon ng mga nagkakaisang tinig ng mga empleyado at komunidad. Kinakatawan nito ang iba’t ibang diverse na pananaw na tinipon sa isang komprehensibong ulat na kumakatawan sa pananaw na nakabatay sa komunidad sa kung paano pinakamahusay na hubugin ang Sistema sa Kalusugan ng Pag-uugali sa County. Labis rin kaming nagpapasalamat sa kadalubhasaang inihandog ng California Institute for Behavioral Health Solutions (CIBHS) at ng Equity and Wellness Institute (EqWI) sa kanilang magkatuwang na pangunguna sa estratehikong proseso ng pagpaplanong ito. Nagbigay- daan ang kanilang mga pagsisikap para sa tunay na pakikisangkot at fact-finding ng stakeholder sa pagsisikap na maihandog ang impormasyong ito sa iyo – ngayon. Konteksto, Layunin, at Tinatanaw ng Estratehikong Plano ng BHD Unang inilunsad ang aming mga pagsisikap sa estratehikong pagpaplano noong Tag- araw/Taglagas ng 2022. Nakatuon ang Ehekutibong Team ng BHD sa pagsasagawa ng panloob at panlabas na proseso upang tiyakin ang pinakamalawak na paglahok, ACBHD STRATEGIC PLAN FINAL REPORT (Memo) - June 2024 - Community Stakeholders _no sig-tl.docx Pahina 2 ng 3 katapatan, at nagkakaisang pagtanaw sa buong County ng Alameda. Nakibahagi sa proseso ang maraming stakeholder at nagsasama ng feedback mula sa mga miyembro ng team ng empleyado. Ang layunin ng proseso ay para tulungan ang BHD na pagtuunan ang mga landas para sa pagpapahusay ng sistema sa ngalan ng aming mga kliyente at pamilya habang magkakasama naming hinaharap ang napakararaming pagbabagong pampatakaran at panglehislatura na nakaaapekto sa paghahatid ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali. Inaasahan na naming kakailanganin ang maraming taong proseso dahil sa saklaw ng aming trabaho, at itinuon namin ang aming mga sarili sa proseso hanggang sa makumpleto ito. Dahil isinasama ng pinal na ulat ang feedback na nakuha sa nakaraang dalawang taon, posibleng hindi na updated ang ilang sanggunian (halimbawa, “ACBH” o “HCSA”). Gayunpaman, hinihiling naming isaalang-alang ninyo ang mga ito sa pamamagitan ng konteksto ng aming kasalukuyang panglehislaturang kalagayan, ahensya, at mga nakagawian sa pagpapangalan ng mga departamento. Mga Susunod na Hakbang sa Estratehikong Plano ng BHD Ang Aming Layunin: Sa huli, ang layunin namin ay gamitin ang mga nilalaman ng estratehikong plano sa pamamagitan ng paglalapat ng priyoridad na framework ng departamento (Pagtutugma, Komunikasyon, at Istrukturang Pang-organisasyon) upang himukin ang lahat ng potensyal na elemento ng pagpapatupad. Ang Mga Susunod na Hakbang (Yugto 1, Yugto 2, at Yugto 3): Dahil sa bilang ng mga indibidwal at organisasyon na nakaugnayan sa nakaraang dalawang taon, naniniwala kaming mahalagang maipamahagi namin ang buong ulat nang malawakan hangga’t maaari habang itinuturing namin itong Yugto 1 ng aming proseso ng estratehikong pagpapatupad. Isasama rin ng yugtong ito ang pagsasalin ng mga nilalaman sa maraming wika para tiyaking maaabot ang pinakamaraming komunidad hangga’t maaari. Kinakailangan ng Yugto 2 na panloob na suriin ang mga nilalaman, kabilang ang pagsusuri sa mga mas bagong pagbabago kaugnay ng regulasyon (at lehislatura) na nakaaapekto sa aming sistema. Batay sa inisyal na pagsusuri ng ulat ng aming Ehekutibong Team, dapat ding isama ng susunod na hakbang (Yugto 2) ang pagsasama-sama ng iba’t ibang pamamaraan para matulungan kaming pagtuunan ang proseso nang sa gayon ay maging matagumpay kami hangga’t maaari. Kabilang sa mga pamamaraang ito ay maging maingat sa proseso, mga estratehiya, at sa komunikasyon na aming ginagamit sa aming mga panloob at panlabas na stakeholder. Kapag handa na kaming ipatupad ang Estratehikong Plano ng BHD (Yugto 3), mananatiling tapat ang aming departamento sa isang proseso na ginagabayan ng nagpapatuloy na edukasyon, pagsusuri ng mga priyoridad ng departamento/komunidad, at mga oportunidad para sa dalawahang direksyong feedback at pagpaplano ng estratehiya. Ang Aming Hinihiling Sa Inyo: Ibinabahagi namin ang buong ulat sa bawat isa sa inyo nang sa gayon ay puwedeng mas matuto pa kayo tungkol sa feedback na may kaugnayan sa serbisyong ibinigay mo at/o ng iba pa sa buong komunidad sa aming mga consultant sa ACBHD STRATEGIC PLAN FINAL REPORT (Memo) - June 2024 - Community Stakeholders _no sig-tl.docx Pahina 3 ng 3 buong proseso. Sa ngayon, inaanyayahan namin kayong maging pamilyar sa mga nilalaman nito hangga’t maaari. Ang Aming Mga Hihilingin sa Hinaharap at Ang Inyong Potensyal na Pakikilahok sa Hinaharap: Habang sinusuri ninyo ang Ulat sa Estratehikong Plano, tandaan na binuo ng aming departamento ang Mga Sukatan ng True North (True North Metrics) upang makatulong na tayo ay magtuwangan nang may nagkakaisang bokabularyo at pagkaunawa sa ating mga mithiin. Para sa mga nakahanda, umaasa kaming makalikha ng mga oportunidad sa hinaharap upang talakayin ang mga nilalaman at magkasamang lumikha ng mga solusyon para sa pagpapatatag ng ating mga gawain bilang isang sistemang organisadong-organisado, nakatuon sa pagkakapatas (equity), at nakaugnay sa komunidad para sa Komunidad ng Alameda. Umaasa kami sa mga oportunidad na iyon dahil makakatulong ang mga ito sa amin upang suriin nang mabuti ang kasalukuyang kalagayan para gabayan ang pagpapaunlad ng Plano sa Pagpapatupad (Yugto 3). Salamat sa mga nagbigay na ng kanilang feedback kaugnay ng sistema ng paghahatid ng serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali sa ating bansa – at salamat sa lahat ng mga Stakeholder na magbibigay ng nagpapatuloy na feedback sa mga susunod na buwang darating! Taos-puso naming pinahahalagahan ang inyong nagpapatuloy na pananalig sa County ng Alameda, mga kliyente, mga pamilya, at sa komunidad. Alameda County Behavioral Health (ACBH)Estratehikong Plano Talaan ng mga Nilalaman I. Mga Pagkilala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .3 II. Buod Pang-ehekutibo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .5 III. Background . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .8 IV. Pamamaraan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .10 V. Dedikasyon ng ACBH Kontra-Rasismo . . . . . . . .12 VI. Mga Tema at Estratehikong Direksyon . . . . . . . .13 1. Access . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15 2. Kadalubhasaan ng Komunidad . . . . . . . . . . . .19 3. Pabahay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .24 4. Mga Programa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .28 5. Patas na Pangangalaga . . . . . . . . . . . . . . . . . . .34 6. Muling Integrasyon sa Lipunan at Hustisyang Kriminal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .39 7. Katanggap-tanggap at Patas na Pamamahagi ng mga Pondo para sa mga Pangangailangan ng MH/SUD . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .43 VII. Mga Apendiks . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .46 A: Mga Dokumento para sa Pagsusuri ng mga Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .46 B: Mga Halimbawang Dokumento para sa Koleksyon ng Data . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .47 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)3 Mga Pagkilala Nais kilalanin at pasalamatan ng Mga Serbisyo sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Pag-uugali sa County ng Alameda (County Behavioral Health Care Services o ACBH) ang lahat ng maraming organisasyon at indibidwal na tumulong para gabayan ang Estratehikong Planong ito . Ang California Institute for Behavioral Health Solutions (CIBHS) at ang Equity and Wellness Institute (EqWI) ay nagtulungan para pamunuan ang proseso ng estratehikong pagpaplano at pakikilahok ng komunidad at ipinal ang nakasulat na Estratehikong Plano . Sumuporta rin ang Adèle James Consulting sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng mga focus group at ng pagtulong sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga feedback ng komunidad . Gayudin, nais naming kilalanin ang mga ambag ni Sarina Hill, ang Tagapamahala ng Proyekto ng Estratehikong Plano ng ACBH, na nakipagtulungan sa CIBHS at EqWI para makatulong sa disenyo at pagpapatupad at koordinasyon ng proseso ng estratehikong pagpaplano . Nais naming pasalamatan ang Lupon ng mga Tagapangasiwa (Board of Supervisors) na tumulong sa pag-oorganisa ng mga sesyon sa pakikinig nang sa gayon ay mapakinggan namin ang mga pinamumunuan nila sa kanilang rehiyon . Kabilang rito sina: > Distrito 1: David Haubert > Distrito 2: Richard Valle > Distrito 3: Dave Brown > Distrito 4: Nathan Miley > Distrito 5: Keith Carson Panghuli, maraming salamat sa aming mga mas malawak na team sa Ahensya ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan (Health Care Services Agency o HCSA) at sa mga Tagapamahalang Pansyudad ng County ng Alameda (Alameda County City Managers) na lahat ay lumahok sa sesyon sa pakikinig nang sa gayon ay magabayan ng mga pananaw na partikular sa syudad ang Estratehikong Plano . I. Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)4 > Side by Side > Native American Health Center > Hume Center > Pacific Islander Wellness Initiative > Filipino Community Health & Wellness > La Familia > Multilingual Counseling Center > Felton Institute Early Psychosis Division > Bay Area Community Services > Telecare Corporation > Options Recovery > Independent Family Members > Lincoln Families > Alameda County Probation Department > Tanggapan ng Sheriff sa County ng Alameda > Superyor na Korte ng County ng Alameda > Mental Health Advisory Board > MHSA Advisory Board > African American Steering Committee > Peers Organizing Community Change > Alameda Alliance for Health > Community Health Center Network > Mar Thoma Orthodox Church > Lakeshore Avenue Baptist Church > Allen Temple Baptist Church > San Lorenzo Japanese Christian Church > Friendship Christian Church > First Presbyterian Church of Berkeley > Mga Organisasyong Pangkomunidad mula sa California Reducing Disparities Project: • Catholic Charities • Native American Health Center • Gender Spectrum • Safe Passages • La Clinica • East Bay Asian Youth Center (EBAYC) • California Black Women’s Health Project • Racial & Ethnic Mental Health Disparities Coalition Nagpapasalamat din kami sa aming maraming partner na komunidad na tumulong sa amin sa pamamagitan ng pagtulong sa pagrerekluta ng mga kalahok para sa aming mga focus group gayundin ng pagiging kinatawan ng mga pananaw ng kanilang mga organisayon sa aming mga key informant interview na nakatulong para hubugin ang mga tema at rekomendasyon ng estratehikong plano . Kabilang rito sina: > LGBTQIA2S+ > Indigenous/First Nation > Asian American > Mga Pacific Islander > Southeast Asian > African American/Black > Latinx > Mga Imigrante/Refugee Lalong-lalo na, nais naming magpasalamat sa mga kliyente, miyembro ng pamilya, at miyembro ng komunidad na nagpakita ng dedikasyon sa pakikipagtulungan sa amin para ganap na mabago at mapahusay ang mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali na inihahandog ng County ng Alameda . Kabilang rito sina: > Mga Kabataang nasa Transisyonal na Edad > Mga Mas May Edad na Nakatatanda > Mga Indibidwal na Nasangkot sa Sistema ng Hustisyang Kriminal (Justice-Involved) > Mga Indibidwal na may mga Karamdaman sa Paggamit ng Bawal na Gamot > Mga Walang Tirahang Indibidwal > Mga Miyembro ng Pamilya/Magulang/Caregiver Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)5 Buod Pang-ehekutiboII. Mula 2019, nagsisikap na ang California para sa pundamental na pagrerebisa sa sistema nito sa kalusugan ng pag-uugali, kalusugan ng pag-iisip, at paggamit ng bawal na gamot . Magkakaroon ng mahalagang epekto sa lahat ng sistema ng county sa kalusugan ng pag-uugali ang pagmomodernisa ng estado sa serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali, bilang karagdagan sa mga kasalukuyang pagsisikap ng estado na nagtatransporma sa sistema ng paghahatid ng kalusugan ng pag-uugali tulad ng California Advancing and Innovating Medi-Cal (CalAIM) at Community Assistance, Recovery and Empowerment Act (CARE Act) . Sa gitna ng transpormasyong ito sa buong estado, nakatuon din ang Alameda County Behavioral Health Services (ACBH) sa pagbubuo ng sarili nitong landas para sa estratehikong paglago at ebolusyon . Nakatuon ang pamunuan ng ACBH sa proseso ng pagpaplano na nagpapamalas ng mga pangunahing prinsipyo ng pagiging kontra-rasista at nakasentro sa mga tinig ng mga kliyente, miyembro ng pamilya, at komunidad . Gumagabay ang mga prinsipyong ito sa proseso ng estratehikong pagpaplano . Humingi ng tulong ang ACBH sa consulting team na may makabuluhang karanasan sa pakikipag-partner sa mga kliyente, miyembro ng pamilya, at komunidad . Nakipag-ugayan ito sa California Institute of Behavioral Health Solutions (CIBHS), na nakipag-partner sa Equity and Wellness Institute (EQWI), para magdisenyo ng proseso ng estratehikong pagpaplano na nilalahukan ng komunidad . Sa halip na makinig muna sa panloob na mga kawaning stakeholder ng ACBH, pumunta ang consulting team sa komunidad at sinadyang unahin ang mga tinig ng mga naroon sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas upang tulungan silang hubugin ang mga inisyal na tema at rekomendasyon ng Estratehikong Planong ito ng ACBH . Pagkatapos matukoy ng komunidad ang kanilang mga priyoridad, nagbigay ng feedback ang mga kawani sa lahat ng antas at tumulong para ipinal ang mga tema at rekomendasyon . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)6 Nagbibigay ng roadmap ang Plano para sa ACBH na: 1. Dagdagan ang pag-access sa mga serbisyong idinisenyo kasama ang komunidad. 3. Dagdagan ang mahahalagang suporta sa trabaho ng mga indibidwal na walang tirahan sa pamamagitan ng pinahigpit na pagtutulungan. 6. Humanap ng mga alternatiba sa sistema ng hustisyang kriminal, partikular para sa mga lalaking Black sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensyang naghahain ng hustisyang kriminal at ng ACBH. 4. Pahusayin ang mga programa para isulong ang mga serbisyo at programang nauugnay sa iba’t ibang kultural na background para sa mga diverse na komunidad ng County ng Alameda. 7. Pahusayin ang pagkakapatas sa pagpopondo para sa mga serbisyo sa paggamit ng bawal na gamot at kalusugan ng pag-iisip para tugunan ang mga magkakasabay na karamdaman at bawasan ang stigma laban sa mga karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot at adiksyon. 5. Dagdagan ang patas na pangangalaga para sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas, kabilang ang mga diverse na komunidad ng Asian, Black, at LGBTQIAS2+. 2. Paunlarin ang kadalubhasaan ng komunidad para ibayong hubugin ang mga patakaran at kagawian ng programa. Makakatulong ang Estratehikong Plano para gabayan ang mga pagsisikap ng ACBH sa mga usaping may kritikal na kahalagahan sa lokal na antas at tumutugma rin sa mga usaping pinagtutuunan ng transpormasyon sa antas ng estado . Iniaangkop ng Plano ang mga rekomendasyon para mapahusay ang access sa patas (equitable) na pangangalaga, sama-samang magdisenyo ng pangangalaga sa kabuuan ng tao, at maparami ang mga serbisyo at suporta na nauugnay sa iba’t ibang kultural na background (culturally relevant) . Binibigyan nito ng atensyon ang mga pangangailangan ng mga komunidad at populasyong kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas (inequities), kabilang ang magkakaiba-ibang (diverse) komunidad ng Black, Asian, at LGBTQIA2S+, iyong walang tirahan o nawalan ng tirahan, o sangkot sa sistema ng hustisyang kriminal, at mga indibidwal na may mga karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot o adiksyon . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)7 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)8 Background Kinikilala ng Alameda County Behavioral Health Care Services (ACBH) na sa loob ng nakaraang tatlong taon, nakaranas ang mga komunidad ng mga pangunahing banta sa kanilang pangkalahatang kagalingan bilang resulta ng Pandemyang Coronavirus (COVID-19) . Bilang itinuturing pa ring pambansang kagipitang pangkalusugan ang COVID-19, mayroon ding pagkilala sa buong bansa tungkol sa pangangailangan para sa reporma sa panlipunang hustisya at pagtuon sa pangkalusugang pagkakapatas . Nagpapatuloy itong kasinghalaga ng karanasan sa kalusugan ng pag-uugali ng pangkalahatang populasyon . Sa loob ng nakalipas na dalawang taon, nakaranas din ang mga stakeholder ng kalusugan ng pag-uugali ng makabuluhang pagbabago bilang resulta ng mga bagong inisyatiba sa buong estado, bagong batas na ipinasa, at batas na kasalukuyang nakapanukala . Ang CalAIM, ang pinakamalaking transpormasyon ng Medi-Cal sa kasaysayan ng California, ay ipinatutupad pa rin at ang mga bagong serbisyo gaya ng pinahusay na pamamahala sa pangangalaga, mga suporta sa komunidad, at iba pa ay gumagana para lumikha ng sistemang pangkalusugan na higit na koordinado, nakasentro sa tao, at patas . Noong 2022, naipasa ang Community Assistance, Recovery, and Empowerment (CARE) Act . Nagbibigay ito ng mga pangkomunidad na serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali at sumusuporta ito sa mga Californian na nabubuhay nang may hindi nagagamot na schizophrenia spectrum o iba pang psychotic na karamdaman sa pamamagitan ng bagong proseso sa korte sibil . Noong 2023, nilagdaan bilang batas ang SB 43 . May mekanismo ang umiiral na batas para sa di-boluntaryong paglalagak sa pagamutan at panggagamot sa isang taong nagiging panganib sa kanyang sarili o sa iba pa o sa isang taong may malubhang kapansanan . Bago ang SB 43, binigyang-kahulugan ang “may malubhang kapansanan” bilang kondisyon kung saan walang kakayahan ang isang tao para masustentuhan ang kanyang mga batayang pangangailangan para sa pagkain, damit, o shelter o natagpuang wala sa katinuan, gaya ng tinukoy . Pinalalawig ng SB 43 ang kahulugan ng may malubhang kapansanan para isama ang taong walang kakayahang sustentuhan kanyang personal na kaligtasan o kinakailangang pangangalagang medikal dahil sa kronikong alkolohismo . Pahihintulutan ng panukalang batas na ito ang mga county para ipagpaliban ang pagpapatupad ng mga probisyong ito sa Enero 1, 2026 . III. Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)9 Sa 2024, pagbobotohan ng mamamayan ng California ang SB 326, ang Batas sa mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali (Behavioral Health Services Act), isang hakbang sa balota na nagpapanukala ng mga pangunahing pagbabago sa Batas sa mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-iisip (Mental Health Services Act) . Ililipat ng mga pagbabago ang pagpopondo para sa mga pangunahing serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip na hinuhubog ng komunidad mula 2005 at sa halip, maglaan ng 30% ng lahat ng pondo ng MHSA sa mga interbensyon sa pabahay, magbigay-daan para sa pagpopondo ng mga karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot, at alisin ang kategorya ng pagpopondo na “Mga Inobasyon” na ginagamit ng mga county para subukan ang mga bagong estratehiya para itransporma ang mga lokal na sistema sa kalusugan ng pag-uugali . Ang lahat ng salik na ito ay nagdala sa aming departamento tungo sa nagpapanumbalik na pagtuon sa napapanahong pagsisimula ng estratehikong pagpaplano at sa prosesong nagbubukas ng pinto sa aming mga kliyente, pamilya, at iba’t ibang stakeholder . Ang ultimong layunin namin sa yugtong ito ng estratehikong pagpaplano ay upang matulungan kaming magbalangkas ng landas sa hinaharap . Nagsisikap kaming magdisenyo ng proseso ng pagpaplano na ginagawang normal ang mga talakayan hinggil sa lahi, pagkakapatas ng mga lahi, at pakikipag-ugnayan sa komunidad . Dahil napakalawak at napakasaklaw ng mga pagbabago sa mga nakaraang taon sa ating kalagayang panlipunan at pampatakaran, binubuo ang Estratehikong Plano ng ACBH sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at itinatampok din ang pangangailangan para sa nagpapatuloy na pag-abot, pakikipag-ugnayan, at pagkilos kasabay ng pagsisimula ng aming proseso ng pagpapatupad . Simula noong Pebrero 2022, kinomisyon ng ACBH ang mga Inisyatiba sa Estratehikong Pagpaplano na nilalahukan ng komunidad na may napakaraming stakeholder, organisasyon, at komunidad sa buong County para lumikha ng pangmatagalang plano nang sa gayon ay makatulong sa aming sistema para: 1. BUMUO ng mas intensyonal na pagtuon sa paglilingkod sa mga diverse na pangangailangan ng buong komunidad, kabilang iyong mga komunidad ng lahing may kulay na kinaugalian nang hindi masyadong napapaglingkuran, o hindi maayos na napapaglingkuran. 3. TUKUYIN kung saan may mga kritikal na patlang sa mga programa at serbisyo na puwedeng magpahusay sa kalusugan ng pag-uugali at kagalingan ng pag-iisip ng mga indibidwal at komunidad. 6. ALISIN ang mga kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan ng pag-uugali sa pag-access at kalidad ng mga pampublikong serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali. 7. HIGIT NA bigyang-diin ang pag-iwas sa mga problema sa kalusugan ng pag-uugali at mga estratehiya sa maagap na interbensyon. 4. GABAYAN ang pagpopondo at mga patakaran para tugunan ang mga patlang na iyon. 8. LUMIKHA ng mga estratehiya para makatulong na tugunan ang mga panlipunang salik ng kalusugan ng pag-uugali na pinalalala ng rasismo, gaya ng hindi sapat na pabahay, trabaho, edukasyon, at mas mapanganib na pagkakasangkot sa proseso ng hustisyang kriminal. 5. PAHUSAYIN ang napapanahong access sa mga de-kalidad at mabisang serbisyong pangkomunidad na nakabatay kapwa sa ebidensyang tinukoy ng pananaliksik at tinukoy ng komunidad. 2. MAPAHUSAY ang komunikasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng ACBH at mga komunidad na pinaglilingkuran nito. Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)10 Pamamaraan Nakipag-partner ang Alameda County Behavioral Health (ACBH) sa California Institute of Behavioral Health Solutions (CIBHS) para makapagpaunlad ng komprehensibo at buong sistemang estratehikong plano . Kinontrata ang Equity and Wellness Institute (EqWI) at Adèle James Consulting para magbigay ng pang-organisasyong konsultasyon upang suportahan ang pagsisikap na ito . Upang ipakita ang dedikasyon ng ACBH sa kolektibong kalusugan at pagkakapatas sa pamamagitan ng inklusibong proseso, pinangunahan nito ang proyektong pananaliksik para suriin ang mga umiiral na materyales at makakuha ng feedback mula sa iba’t ibang grupo ng komunidad, susing miyembro ng komunidad, organisasyon, at ahensya kaugnay ng paghahatid ng pangangalaga sa kalusugan ng pag- uugali sa buong county . Sinuri ang mga natuklasang ito upang makabuo ng mga tema at estratehikong direksyon (Seksyon VI) na gagabay sa pagpapaunlad ng estratehikong planong ito . Ginamit ang nakasentro sa komunidad na pamamaraan sa panahon ng koleksyon ng data upang isulong ang pagkakapatas at palakasin ang mga tinig ng mga miyembro ng komunidad at provider ng serbisyo na ang mga pananaw ay sistematikong ibinukod mula sa sistema ng pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . Gumamit ang ACBH ng pamamaraang nilalahukan ng komunidad sa paglikom ng impormasyon upang: > Palakasin ang ugnayan ng ACBH sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas . > Pahusayin ang komunikasyon at pakikipagtulungan sa mga kasalukuyang kliyente . > Tukuyin ang mga patlang sa mga programa at serbisyo . > Bigyang-diin ang pag-iwas sa problema sa kalusugan ng pag- uugali at mga estratehiya sa maagap na interbensyon . > Makatulong sa paglikha ng bagong plano para sa patuloy na pagpapahusay ng kalidad, muling pagdidisenyo ng sistema, at pangangalagang nakasentro sa kliyente . IV. Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)11 Lumahok ang 28 organisasyon at ahensya sa pagsisikap na ipatupad ang nakasentro sa komunidad na pamamaraan sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali sa County ng Alameda sa pamamagitan ng mga pulong, focus group, at panayam . Ang mga talakayang ito ay nairekord, nai-transcribe, at nasuri para sa mga tema sa digital na paraan, at pinag-isa sa isang ulat . Pagkatapos ay binuod ang mga resulta at inihapag sa komunidad sa pamamagitan ng mga sesyon sa pakikinig at isinama sa estratehikong pagpaplano . Sumuporta ang consulting team para sa pagrerekluta ng kalahok, pagsusuri, at pamamahagi ng data sa iba’t ibang yugto: a. Pagsusuri sa mga Materyales (Taglagas ng 2022) Sa panahon ng pagsusuri ng mga materyales, sinuri ang mahigit 10 panloob na dokumento at mga dokumentong nakatuon sa labas ng organisasyon, gayundin ang mahigit 15 di-naprosesong data set mula sa county (tingnan ang Apendiks A para sa listahan ng mga sinuring materyales) . Naging basehan ang pagsusuri ng pag-aaral na ito para sa mga inisyal na tema, natuklasan, at rekomendasyon . b. Nilalahukan ng Komunidad na Paglikom ng Impormasyon sa Buong County Upang mapagtuunan ang mga tinig ng komunidad, nagpadaloy ang consulting team ng 14 na focus group, walong pulong kasama ang mga miyembro ng komunidad, at 10 panayam kasama ang mga halal na opisyal at kawani ng syudad . Isinagawa ang 18 panayam kasama ang mga susing lider at miyembro ng komunidad . Naganap ang prosesong ito mula Marso - Setyembre 2022 . Sa pamamagitan ng mga focus group at panayam, nagkaroon ng kinatawan ang maraming komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas, kabilang ang: > Black/African American, Chinese, Filipino, Korean, Indigenous/First Nation, Pacific Islander, Latinx, Imigrante/Refugee, Indibidwal na may Kadalubhasaang Natutunan sa Karanasan (Lived Expertise), LGBTQIA2S+, mga May Edad na Matatanda, Kabataang nasa Transisyonal na Edad, Walang Tirahang Indibidwal, Mga Indibidwal na may mga Karamdaman sa Paggamit ng Bawal na Gamot (Individuals with Substance Use Disorders o SUD), Indibidwal na naapektuhan ng Sistema ng Hustisyang Kriminal (Justice-Impacted), mga Miyembro ng Pamilya, mga Magulang, at mga Caregiver . Dagdag pa, may limang Sesyon sa pakikinig na kasama ang mga tanggapan ng Lupon ng mga Tagapangasiwa, mga Distrito 1 hanggang 5, gayundin kasama ang mga Tagapamahala ng Syudad sa County ng Alameda . Tingnan ang Apendiks B para sa mga Halimbawang Dokumento para sa Koleksyon ng Data . Kalitatibong Pagsusuri ng Data Narekord, na-transcribe, at nasuri ang mga focus group at panayam mula sa mga pagsisikap na maglikom sa komunidad . Humantong ang pagsusuri sa pagpapaunlad ng mga lumilitaw na tema at estratehikong direksyon (mga rekomendasyon) . Isa itong umuulit-ulit na proseso na kinabibilangan ng nagpapatuloy na pagsusuri at integrasyon ng data . Patuloy na Pagsusuri kasama ang mga Internal na Kawani ng ACBH para Pinuhin at Ipinal ang mga Tema at Rekomendasyon (Abril 2022 - Mayo 2023) Nilikom ang feedback sa mga Tema at Rekomendasyon mula sa lahat ng antas ng kawanihan sa loob ng ACBH, kasama ang Clerical, Clinical, Panggitnang Tagapamahala, Ehekutibo, at Senior na Ehekutibong Pamunuan, sa pamamagitan ng mga pulong para makakuha ng kanilang mga pananaw sa mga kalakasan, kahinaan, oportunidad, at panganib . Nagpulong nang minsan isang linggo ang ACBH at consulting team mula Abril 2023 hanggang Tag-araw ng 2023 para magpaunlad at magpino ng mga tema at rekomendasyon batay sa feedback ng mga kawani ng ACBH . Mga Sesyon sa Pakikinig (Hulyo 2023) > Nagsagawa ang ACBH at consulting team ng apat na pampublikong sesyon sa pakikinig para maipamahagi sa mga miyembro ng komunidad ang mga natuklasan at makakuha ng feedback . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)12 Dedikasyon ng ACBH Kontra-Rasismo Sa ACBH, ganap kaming may dedikasyon sa paglikha at pagpapanatili ng sistemang kontra-rasismo . Nagsisimula iyon sa pagkilala na istorikong pinaboran ng mga serbisyo ng pamahalaan sa lahat ng antas ang mga karapatan ng ilan sa mga komunidad nito kaysa sa iba pa, at nag-iwan ng pamana ang mga kawalan ng pagkakapatas na iyon na nagpapatuloy hanggang sa ngayon . Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga realidad na ito, binalikat namin ang masigasig na pagsisiyasat sa mga kasalukuyang kagawian, patakaran, at programa . Ginagamit namin ang buong kapasidad ng aming sistema at mga resource nito para tukuyin, unawain, at iwasto o salungatin ang matatagal, maiiwasan, at di-patas na resulta, nang walang palusot o pag-aatubili . Seryoso naming isinisiwalat ang mga alalahanin at aktibong nakikipagtulungan sa aming mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas upang maiwasan ang mga pinsala sa hinaharap . Magkakasamang binubuo ng ACBH ang sistema sa kalusugan ng pag-uugali na tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal sa ating county; walang kultural, demograpiko, o sosyo-ekonomikong katangian ang magtatakda ng kalalabasan ng mga ito . Ang layunin namin ay almahan ang nakakademoralisang trend ng sistematikong rasismo at iba pang pang- aaping namana natin . Habang nagsusumikap kaming lumikha ng mga proseso at sistema na nakaugat sa pagkakaiba-iba (diversity), pagkakapatas, inklusyon, at hustisya, may dedikasyon kaming gumamit ng wika na nagpapatampok ng mga sistemang nag-aambag sa di-pantay na epekto nito sa ilang partikular na grupo . Mulat din tayo sa wika at ang patuloy na ebolusyon nito, at nilalayon nating patuloy na gumamit ng inklusibong wika bilang simple at nakabubuting paraan para harapin ang mga bagong konsepto nang may kababaang-loob at pagmamalasakit . Tingnan ang Pinto tungo sa mga Komunikasyon sa Kalusugan (Gateway to Health Communications) ng CDC para sa mga karagdagang mungkahi sa umuunlad na paggamit ng wika . V. Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)13 Mga Tema at Estratehikong Direksyon Ang mga inilahad na mga Tema at Estratehikong Direksyon sa seksyong ito ay bunga ng halos dalawang taong mga pulong, pananaliksik, at pagsusuri para magbigay ng malinaw na direksyon sa mga pinagtutuunang bahagi ng ACBH upang lumikha ng mga mas patas na serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali . Nakasentro sa komunidad ang mga prosesong ginamit sa paglikom ng impormasyong ito at nagsasama ng patuloy na feedback mula sa mga kawani ng ACBH . Ang sumusunod na tema ay nagsasama ng “mga estratehikong direksyon,” na sa esensya ay mga rekomendasyon para sa mga ideyang puwedeng ipatupad na tumutugon sa mga tema . Inilalarawan ng mga estratehikong direksyon kung paano plano ng ACBH na sistematikong sumulong habang ginagamit ang mga karanasang tuwirang natutunan at kadalubhasaang natutunan sa karanasan ng mga miyembro ng komunidad para sa mga mas patas at pinagsama-samang serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali . Kasama sa mga tema ang mga sumusunod: VI. 1. Access – Magtatag ng mga estratehiya na idinisenyo kasama ang komunidad para isulong ang pagkakapatas, access, at tulungan ng mga ahensya . 2. Kadalubhasaan ng Komunidad – Pataasin ang kakayahan ng komunidad para sa pagpapaunlad ng patakaran/ programa . 3. Pabahay – Makipagtulungan sa mga partner na komunidad para madagdagan ang trabaho para sa mamamayang walang tirahan o nasa panganib ng pagkawala ng tirahan na may seryosong karamdaman sa isip at/o karamdaman sa paggamit ng bawal na droga . 4. Mga Programa – Suriin at pahusayin ang mga programa at serbisyo nang sa gayon ay maging nakatuon sa kabuuan ng tao ang mga ito, nauugnay sa iba’t ibang kultural na background, at nahihimok ng resulta . 7. Katanggap-tanggap at Patas na Pamamahagi ng mga Pondo para sa mga Pangangailangan ng MH/SUD – Tiyakin ang pagpopondo sa buong sistema na naglilingkod sa mamamayang may magkakasabay na kondisyon . 5. Patas na Pangangalaga – Dagdagan ang patas na pangangalaga para sa mga komunidad na kumakaharap ng malulubhang kawalan ng pagkakapatas sa pamamagitan ng outreach, pagrekluta, at mga programa – nagpapatuloy ang mga oportunidad para sa pagpapahusay para sa mga komunidad ng Asian, Black, at LGBTQIA2S+ . 6. Muling Integrasyon sa Lipunan at Hustisyang Kriminal – Pahigpitin ang pagtutulungan at koordinasyon sa pagitan ng ACBH at ng mga Tanggapan ng Public Defender, District Attorney, Probation, Sheriff, at mga Korte sa Paglutas ng mga Suliranin (Collaborative Court) para tiyaking naisaalang-alang ang mga lalaking Black para maipagamot ang kalusugan ng pag-uugali bilang alternatibo sa pagpapadala sa kanila sa piitan/bilangguan . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)14 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)15 Magtatag ng mga estratehiya na idinisenyo kasama ang komunidad para isulong ang pagkakapatas, access, at pagtutulungan ng mga ahensya. TEMA 1: Access REKOMENDASYON 1.1 Patuloy na mamuhunan sa mga pagpapahusay sa ACCESS Program ng ACBH sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mga estratehiya kasama ang mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang sistematikong kawalan ng pagkakapatas. “Kailangang itayo ng ACBH ang imprastruktura nito upang magkaroon ng mas makabuluhang pakikipag-ugnayan sa komunidad at talagang pag-isipan kung paano makakaugnayan ang komunidad, magbahaginan ng kapangyarihan, magkasamang lumikha, at magkasamang magdesisyon. Inklusyon ang magandang unang hakbang ngunit hindi ito sapat. Kailangan nilang pag-isipan ang kanilang mga istruktura para lumikha ng mga espasyo para sa makabuluhang pakikipag-ugnayan.” Kailangang harapin ng ACBH ang mga hadlang sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali para suportahan ang mga residente ng County ng Alameda sa pagtanggap ng de-kalidad at patas na pangangalaga, kabilang iyong para sa mga nangangailangan ng kritikal at agarang pangangalaga . Ang ACCESS Program (Acute Crisis Care and Evaluation for Systemwide Services - 1-800-491-9099) ng ACBH ay isang kapaki-pakinabang na inisyatiba na isusulong ng departamento upang suportahan ang mga recipient ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali na magna-navigate sa sistema . Nakapamuhunan na ang ACBH ng oras at mga resource sa mga pagsisikap para sa pagpapahusay ng kalidad para mapabuti ang ACCESS nang sa gayon ay mapadali ang pagpasok sa mga serbisyo para sa mga miyembro ng komunidad . Upang maituloy ang gawaing ito at pinakamabisang matugunan sa pamamagitan ng ACCESS ang mga pangangailangan ng diverse na populasyon ng County, posibleng gamitin ng departamento ang mga nagtutuwangang pamamaraan – gaya ng magkakasamang pagdidisenyo – para mapalahok ang mga miyembro ng komunidad bilang kapantay na katuwang sa pagbubuo ng tiwala at ibayong pagpapahusay . May dedikasyon ang ACBH sa pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali sa pamamagitan ng pagpuntirya ng mga hadlang sa pag-access. Nauunawaan ng departamento na ang mga maaasahang mapagkukunan ng pangangalaga, coverage, at mga tumutugon sa iba’t ibang kultural na background (culturally responsive) na provider ay napapataas ang pag-access sa mga serbisyo at resultang may positibong kalusugan ng pag-uugali. Mahalaga ang pakikilahok ng komunidad para malinang ng departamento ang sistema sa kalusugan ng pag-uugali kung saan mabilis na natutukoy ng mamamayan ang mga resource at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Bilang karagdagan, ang mga kagawian ng ACBH sa pagpapahusay ng kalidad para sa mamamayan mula sa marginalisadong komunidad ay nagpapahigpit ng pagtutulungan ng mga ahensya, nagsusulong ng pagkakapatas, at nagpapahusay ng sistema sa pangangalaga ng kalusugan para sa lahat. Higit pa rito, plano ng ACBH na suportahan ang pamumuhunan sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang sistematikong kawalan ng pagkakapatas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga estratehiya na magpaparami ng mga outreach na tumutugon sa iba’t ibang kultural na background at pagkikipag-ugnayan sa lahat ng mga plano sa pagpapahusay. Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)16 REKOMENDASYON 1.2 Suportahan ang pag-access sa pangangalaga, pataasin ang pagiging angkop sa iba’t ibang kultural na background ng outreach at pakikipag-ugnayan. Makipag-partner sa mga organisasyon sa komunidad na may mga mapagkakatiwalaang relasyon sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang sistematikong kawalan ng pagkakapatas para mas mabisang magawa ang outreach at pakikipag-ugnayan sa mamamayang hindi kayang ma-access ang pangangalaga. “[Magkaloob] ng pagsasanay at edukasyon para sa mga CBO — ipaalam sa kanila ang lahat ng nangyayari. Magsagawa ng mas maraming outreach sa komunidad. Higit na makipag-partner sa mga organisasyon sa komunidad.” May ugnayan ang ACBH sa maraming organisasyong pangkomunidad (mga community-based organization o CBO) na naglilingkod sa mga populasyong marginalisado at maghangad na palakasin ang mga relasyong ito sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagkatuto sa at mapalawak ang pag-unawa nito sa mga pinaglilingkurang komunidad . Dahil partikular na inaalala ng ACBH ang tungkol sa mga kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan ng pag-uugali, puwedeng pagpalawak ng outreach ang paggamit sa mga umiiral na relasyon upang higit na masuportahan iyong mga nakararanas ng mga pagsubok sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali . Ang susing estratehiya ng ACBH ay ang pagpapatupad ng tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan at komunikasyon na tumutugon sa pangangailangan ng nagmula sa iba’t ibang kultural na background . Ang pakikipag-partner sa mga CBO na may malalakas na relasyon sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas ay maghahandog ng mahalagang pananaw at hahantong sa malilikhaing solusyon na babawas sa mga hadlang sa pag-access . Posibleng gamitin ng ACBH ang prosesong pinagtulungang idinisenyo para pahusayin ang kalidad ng serbisyo ng kalusugan ng pag-uugali . Niyayakap ng sistema sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali na inuuna ang pagtutulungan ng lahat ng nasa loob ng saklaw ng impluwensya ng provider ng serbisyo, lalo na iyong pinakaapektado ng mga kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan . Kabilang din dito ang pormal na pagsasanay ng mga provider ng serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali na may kadalubhasaang natutunan sa karanasan . May kakayanan ang ACBH na gamitin ang mga pamamaraang pinagtulungang idisenyo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga survey ng feedback at pagpapataas ng bilang ng mga pampublikong kaganapan kung saan puwedeng makasama ang departamento sa mga talakayan kasama ang publiko . Nagbibigay-daan ang pamamaraang ito para sa palitan ng feedback kung saan isinasama ang ambag ng komunidad para matiyak na ang imprastruktura – gaya ng ACCESS – ay tuluy-tuloy na naa-update . Kokolektahin ng mga kawani ang feedback para matutunan kung paano puwedeng mas madaling ma-access ang mga serbisyo, ma-navigate, at maging mabisa sa anumang kultural na background . Pagkatapos ay magtutulungan silang isama ang mga rekomendasyong ito batay sa ebidensya kung ano ang gagana para suportahan ang kalusugan ng komunidad . Magbibigay-daan din sa komunidad ang prosesong pinagtulungang idisenyo para magbigay ng napakahalagang ambag at magpapatampok sa mga hadlang sa pag-access na posibleng hindi alam ng mga gumagawa ng patakaran . Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa ahensya/kliyente/at miyembro ng pamilya at pamumuhunan ng mga resource para suportahan ang mga estratehiyang pinagtulungang idisenyo sa mga kapos-palad na lugar, pinlano ng ACBH na linangin ang diwa ng pagiging komunidad at pagtitiwala na nagsasama sa departamento bilang maaasahang pagmumulan ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)17 REKOMENDASYON 1.3 Ipaalam ang mga plano sa pagpapahusay para sa patas na access sa komunidad; isama ang naa-access na biswal na data at social media bilang mga estratehiya sa komunikasyon. “Mahalagang mapakinggan ang mamamayan ng komunidad at nakikipagtulungan sa komunidad.” Nagsusumikap ang ACBH na maksimisahin ang kapasidad nito para mas mabisang mapalahok at makaugnayan ang mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas . Kabilang sa mga matatagumpay na estratehiya sa komunikasyon ang media outreach, mga kampanya sa impormasyon, branding, at pakikipag-ugnayan sa komunidad . Kinakailangan ng mga estratehiyang iyon ang tuluy-tuloy na palitan ng feedback sa komunidad para tiyaking nauunawaan ng ACBH kung anong mga materyales at outreach ang pinakamakakaabot sa mga partikular na populasyon, at nauugnay sa iba’t ibang kultural na background . Isang estratehiya na posibleng ipatupad ng ACBH ay ang paggamit ng mga Public Health Communicators (PHC) upang ibahagi ang mga layunin sa pagpapahusay para sa pag-access sa pangangalaga sa kalusugan . Ang mga PHC ay isang kolektibo ng mga tanggapan at espesyalista ng pampublikong kalusugan sa social media, branding, at pagtutulungan sa pagitan ng nagmula iba’t ibang kultural na background . Ayon sa National Association of County and City Health Officials (NACCHO), napakamabisa ng mga PHC at isang pangunahing asset sa mga ahensya tulad ng ACBH dahil nagpapakadalubhasa sila sa paglikha, pamamahagi, at pagsusuri ng mga mensahe sa pampublikong kalusugan . Palalakasin ng mga PHC ang sistema ng ACBH sa pamamahagi ng virtual na impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng naa-access na content at higit na transparency tungkol sa mga plano sa pagpapahusay . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)18 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)19 Pahusayin ang mga kakayahan ng komunidad para sa pagpapaunlad ng patakaran/programa. TEMA 2: Kadalubhasaan ng Komunidad Ang susing natuklasan mula sa pananaliksik na isinagawa para sa planong ito ay ang pangangailangan para sa kadalubhasaan ng komunidad sa pagtatatag ng pinakamahuhusay na kagawian para sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali na tumutugon sa iba’t ibang kultural na background. Ayon sa Alameda County for Fair Redistricting, pang-apat ang County ng Alameda sa pinaka-diverse na county sa buong bansa. Ang pagsasama ng kadalubhasaan ng komunidad ay kinakailangang may tuluy-tuloy at intensyonal na pakikipagtulungan para tiyaking matutugunan ng ACBH ang diverse na pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali ng County ng Alameda. Marunong ang ACBH sa mabibisang pamamaraan sa pag-oorganisa ng komunidad . Bilang departamento na may dedikasyon sa pag-aalis ng mga hadlang sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali, puwedeng mapahusay ng ACBH ang lahat ng kakayahan ng komunidad upang mapabuti ang kalusugan sa County ng Alameda sa pamamagitan ng (ngunit hindi limitado sa): > Mga lokal na residente — kanilang kasanayan, karanasan, hilig, kakayahan, at kahandaan na mag-ambag sa proyekto . Espesyal na atensyon ang ibinibigay sa mga nakararanas ng sistematikong marginalisasyon . > Mga lokal na boluntaryong asosasyon, samahan, at ugnayan – gaya ng mga grupong pampalakasan, kultural, panlipunan, at relihiyoso . > Mga lokal na institusyon – mga pampublikong institusyon gaya ng mga eskwelahan, aklatan, liwasan, at istasyon ng pulisya, kasama ang mga lokal na negosyo at nonprofit na organisasyon . > Mga pisikal na ari-arian – gaya ng lupa, mga gusali, imprastruktura, at transportasyon . > Mga ekonomikong ari-arian – kung ano ang ginagawa at kinokonsumo ng mamamayan, mga negosyo, mga di-pormal na ekonomikong palitan, at mga barter na relasyon . Sa pagkilala na pinahuhusay ng mga kakayahan ng komunidad ang mga abilidad at kapasidad ng mga residente, puwedeng mahikayat ng ACBH ang mga resource ng komunidad para sa pagpapaunlad ng patakaran at programa . Kinikilala ng ACBH na posibleng may pangkalahatang masasaklaw na pagbabago sa Batas sa mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-iisip (Mental Health Services Act) ng 2024, at nagpaplanong ipagpatuloy ang inklusibong proseso ng pakikipag- ugnayan sa mga stakeholder para makatulong na hubugin ang ebolusyon ng mga serbisyo at suporta sa kalusugan ng pag-uugali para sa County ng Alameda . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)20 REKOMENDASYON 2.1 Pataasin ang pamumuhunan sa mga kagawiang tinutukoy ng komunidad at nakabatay sa ebidensya (community-defined evidence-based practices o CDEP). Ang Kagawiang Tinutukoy ng Komunidad at Nakabatay sa Ebidensya (Community-Defined Evidence-Based Practices o CDEP) ay isang bungkos ng mga kagawiang nagamit ng mga residente upang gumawa ng mga positibong resulta . Hindi kinakailangang ang mga kagawiang ito ay ginagabayan ng empirikal na pananaliksik, ngunit tinatanggap ng komunidad . Inilalarawan ni Menzies at Lavalle (2014) ang mga CDEP bilang: “...isang bungkos ng mga kagawian na ginamit ng komunidad at tinukoy sa pamamagitan ng pinagkaisahan ng komunidad sa paglipas ng panahon at posibleng sinusukat o hindi sa empirikal na paraan ngunit umabot na sa antas ng pagtanggap ng komunidad.” 1 Makatuwirang halimbawa ng empirikal na ebidensya ang kagawian sa pagpapagaling na siglo-siglo o maski mile-milenyo nang ginagamit. Halimbawa, kinagawian na ng mga Native American ang kalusugan ng populasyon, cognitive na behavioral therapy, at group therapy (bilog ng mga pag-uusap) nang daan-daang taon na bago madiskubre ang mga ito ng mga practitioner ng Kanluraning modelong medikal.2 Puwedeng magpatuloy ang ACBH sa mga CDEP upang matutunan kung saan nais ng komunidad ng suporta at kung anong sukatan ng proseso/resulta ang mahalaga sa kanila . Ang dedikasyon ng ACBH sa mga CDEP ay ginagabayan ng mga talakayan kasama ang mga miyembro ng komunidad . Gumamit ng higit na programang tinukoy ng komunidad na nagpakita ng malaking tagumpay upang mapaglingkuran ang komunidad na nakadisenyo itong paglingkuran. Walang data [ang mga kasalukuyang programa] upang umangat mula sa laylayan tungo sa mga angkop na kagawian. Gumagana ang [mga programang tinutukoy ng komunidad]. Mas makabuluhan ang kanilang pakikilahok, mas aktibong pakikisangkot hanggang katapusan, nakaka-relate ang mamamayan [sa mga ito] at isinasama [nito] ang mamamayang may karanasang tuwirang natutunan upang isagawa ang gawain.” Maaaring ipatupad ng ACBH ang mga sumusunod na pamamaraan: > Tiyaking may ambag ang mga CBO sa uri ng data ng CDEP na nais nila nang may transparent na pag-access, at sa pinagkasunduan at naaangkop na format . Pagkatapos, puwedeng gumawa ang ACBH ng mga infographic na angkop sa iba’t ibang kultural na background, at ng dashboard kung saan puwedeng magtanong ang publiko at makatanggap ng feedback . > Batay sa kung ano ang available sa kasalukuyan at kasama ang ambag ng komunidad, tatasahin ng departamento kung paano magpapaunlad ng mga bagong naaalinsunod at ora-mismong koleksyon ng data upang tukuyin ang mga nagpapatuloy na pangangailangang hindi pa natutugunan, lalo na sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang di-pagkakapantay-pantay . Mabisa itong estratehiya para sa pag-unawa kung paano tinutukoy ang mga kagawiang ito . > Magsaliksik at unawain ang mga bagong pamamaraan para sa mga CDEP, tulad ng Addressing Disparities in Behavioral Health for Communities of Color: The Community Defined Evidence Project . 1 Mental Health Disparities by Race and Ethnicity for Adults in Medi-Cal. https://www.chcf.org/publication/mental-health-disparities-race-ethnicity-adults- medi-cal/#related-links-and-downloads. Akda ng California Pan-Ethnic Health Network at inilimbag ng California Health Care Foundation. 2 Menzies, P., at Lavallee, L. (2014). Pambungad. Sa P. Menzies, at L. Lavallee (Eds.), Journey to healing Aboriginal people with addiction and mental health issues: What health, social service and justice workers need to know (pp. xi-xiii). Toronto, Canada: Centre for Addiction and Mental Health. xxv AND Tucker, R. P., Wingate, L. R., & O’Keefe, V. M. (2016). Historical loss thinking and symptoms of depression are influenced by ethnic experience in American Indian college students. Cultural Diversity and Ethnic Minority Psychology, 22(3), 350-358. https://dx.doi.org/ 10.1037/cdp0000055 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)21 Mahalaga sa mga CDEP ang nagpapatuloy at karagdagang pagpopondo para sa mga partner sa komunidad . Halimbawa: Nag-isyu kamakailan ang Department of Health Care Services ng California ng RFP partikular para sa paksang ito: Grant Program para sa mga Kagawiang Nakabatay sa Ebidensya at mga Kagawiang Tinutukoy ng Komunidad: Alinsunod sa lehislatibong mandato nito, ipamamahagi ng DHCS ang $429 milyong grant sa mga organisasyong naghahangad na palawakin ang mga kagawiang nakabatay sa ebidensya at/o mga kagawiang nakabatay sa ebidensya na tinutukoy ng komunidad (evidence-based at/o community-defined evidence practices o EBP/CDEP) na nagpapahusay ng kalusugan ng pag-uugali ng kabataan batay sa matatag na ebidensya ng pagiging mabisa, epekto sa pagkakapatas ng lahi, at sustainability. Nakipag-usap din ang ACBH sa napakaraming miyembro ng komunidad na nagrekomenda ng pangangailangan para sa mga programa sa pagsasanay sa pagpapaunlad ng puwersa ng paggawa at ng paghahanap ng sapat na mga mapagkukunan para mag-hire at magpaunlad ng mas maraming kawani na kumakatawan sa mga komunidad na sistematikong binukod mula sa sistema ng pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . REKOMENDASYON 2.2 Lumikha ng mga isinapormal na istruktura para sa mga provider ng Kagawiang Nakabatay sa Ebidensya at Tinutukoy ng Komunidad (Community Defined Evidence-Based Practice o CDEP) upang maibahagi ang mga natutunan sa ACBH at ibayong paunlarin ang mga klinikal na kagawian. “Ngayon, nagresulta ang istruktural na rasismo sa mga pagbubukod ng mga interbensyon sa kalusugan ng pag-uugali na pinaunlad at sinubok ng at para sa kalusugan at kagalingan ng mga komunidad ng BIPOC at LGBTQIA2S+.” (Mga Opsyon ng Patakaran para sa mga Kagawiang Nakabatay sa Ebidensya at Tinutukoy ng Komunidad) Puwedeng magdisenyo ang ACBH kasama ang mga komunidad na Asian, Black at LGBTQIA2S+ ng mga Komunidad sa Pagkatuto ng Kalusugan ng Pag-uugali . Mangangailangan ito ng masasaklaw na pagsisikap at pamumuhunan sa mga pananaliksik, kagawian, at patakaran na kasalukuyang nakaaapekto sa mga partikular na komunidad na nakararanas ng mahihinang resulta sa kalusugan ng pag-uugali . Ang paglahok sa mga organisadong sesyon sa pagkatuto at focus group ay magbibigay ng espasyo ng walang-patid na pagtutulungan para makapagpaunlad ng pakikipag-ugnayan at makapagbahagi ng mga natutunan na magsasama sa kanilang mga kagawian ng mga pagkatutong nakabatay sa ebidensya . Posibleng magtatag ang ACBH ng mga bago at nagpapatuloy na relasyon sa mga provider ng CDEP para maglikom ng mga data at pinakamahuhusay na kagawian . Posibleng kabibilangan ito ng mga regular na pulong sa pagitan ng mga partner ng ACBH at mga provider ng CDEP para itakda ang mga inaasahan at nagpapatuloy na mga komunidad ng pagkatuto sa pagitan ng dalawang partido . Magbibigay ang kinakailangang pagtutulungang ito ng pananaw sa sistemang madalas na kumakaligta sa lahi, rasismo, seksuwal na oryentasyon, o ang kasaysayan ng isinalegal na diskriminasyon laban sa mga komunidad ng BIPOC at LGBTQIA2S+ (Mga Opsyon ng Patakaran para sa mga Kagawiang Nakabatay sa Ebidensya at Tinutukoy ng Komunidad) . Puwedeng lumikha ang ACBH ng Task Force na kabibilangan ng mga kalahok mula sa mga Komunidad ng Pagkatuto sa Kalusugan ng Pag-uugali para pagtuunan ang mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas . “May mamamayang hindi natin mapapaglingkuran. Nakaparaming alituntunin para i-enrol ang mga indibidwal. Kailangang humingi ng pahintulot para makipagkita sa mga tao. [Kailangan natin] ng reengineering ng sistema. Mahusay ang ACBH sa ginagawa nito, ngunit kailangan nitong magtiwala sa mga CBO upang gawin nila ang mga bagay na nagagawa nila nang mahusay.” Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)22 REKOMENDASYON 2.3Pahusayin ang transparency at komunikasyon kung paano gumagawa ang komunidad ng pagbabago sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga pagbabago sa ACBH. Natukoy ng ACBH ang mga hakbang para tiyaking may pananagutan ang departamento para sa mga pangkalahatang layunin ng Estratehikong Plano at nakapagdisenyo ng mga rekomendasyon para sa seksyong ito upang sukatin kung gaano nito kahusay na itinataguyod ang mga prinsipyo ng pakikipag-ugnayan ng komunidad at pangangalagang tumutugon sa iba’t ibang kultural na background . Ang unang hakbang para tiyakin ang pananagutan ay ang tuluy-tuloy at transparent na pakikipag-usap sa mga residente . Mabisa at nakapagpapalakas na estratehiya ang matatag na palitan ng feedback para magamit ang kadalubhasaan ng komunidad . Sa prosesong ito, natututunan ng mga residente kung paano sila nakapaghihikayat ng mga pagbabago sa departamento dahil mayroon silang mga oportunidad para ibahagi ang kanilang mga pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali at makatanggap ng mga status update . Bilang karagdagan sa tuwirang pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng komunidad, palalakasin din ng ACBH ang mga pakikipag-partner sa mga CBO upang magpaunlad ng pinakamahuhusay na kagawian para paglingkuran ang mga populasyong nakararanas ng mga di-pantay na hadlang sa pangangalaga sa kalusugan . Ang ACBH ay posibleng: > Magpaigting ng pananagutan ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapahusay ng komunikasyon at transparency kaugnay ng kung paano isinasama ang feedback sa mga programa . > Umugnay at magpatampok ng mga maimpluwensyang gawaing ginagawa ng mga CBO sa komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi sa publiko ng mga pinakamahuhusay na kagawian at nakamit . > Magsagawa ng mga forum sa komunidad tuwing ikatlong buwan na may nakalaang kawani ng ACBH para magbigay ng mga update sa komunidad . REKOMENDASYON 2.4Mag-hire ng mga indibidwal mula sa ACBH na miyembro ng mga priyoridad na populasyon o iyong matagumpay na nakalabas mula sa mga programa (hal., dating nakakulong, walang tirahan) alinsunod sa disenyo at pagpapatupad ng lahat ng serbisyong inihahandog ng ACBH at aming mga partner. “Nagsasagawa kami ng pagpapaunlad ng pamunuan sa komunidad ngunit hindi kami makapagbibigay sa kanila ng mga gawaing gagawin nila sa aming ahensya dahil sila ay mga ina, miyembro ng pamilya. Sana mabayaran namin ang kanilang oras at pagsisikap na maging mga tagapagtaguyod. Nagbubuo kami ng kapasidad sa pamumuno, gayunman, hindi namin sila masusuportahan sa kanilang paglalakbay sa gawaing ginagawa nila.” Puwedeng lumikha ang ACBH ng mga panloob na istruktura at proseso upang magbigay-daan sa mas malawak na mga pamantayan sa pag-hire na may mga oportunidad sa propesyunal na pagsasanay para sa mga priyoridad na populasyon, gaya ng grupo ng mga Indibidwal na May Kadalubhasaang Natutunan sa Karanasan na makikipagtulungan sa departamento upang suportahan ang isang tuluy-tuloy na hanay ng pangangalaga . Bibigyang-daan ng pamamaraang ito ang mga karanasang tuwirang natutunan at kadalubhasaang natutunan sa karanasan at kadalasan na kadalasang interseksyonal sa kalusugan ng pag-uugali (gayundin ang pagkakakulong at kawalan ng tirahan) upang higit na magabayan ang mga serbisyo ng ACBH . Posibleng kabibilangan ito ng pinalaking pagpopondo para sa pagrerekluta, pag-hire, at pagsasanay ng mga kawani mula sa mga priyoridad na populasyon, gayundin ang pag-access sa pagpopondong partikular na inilalaan para sa pagpapaunlad ng puwersa ng paggawa sa loob ng ahensya upang suportahan ang pag-hire ng mga manggagawa sa kalusugan ng komunidad at manggagawa sa outreach . “Mahalaga ang pagkakaroon ng mamamayang may karanasang tuwirang natutunan at ang pagkakaroon ng pagtutugma ng lahi. Napakaraming ebidensyang nagsasabing gumagawa ito ng pagbabago. Kung makakakita ka ng kalahi mo, higit na malamang na pagkatiwalaan mo sila at tapusin ang pangangalaga. Makakatulong dito ang mga manggagawa sa komunidad.” Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)23 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)24 Makipagtulungan sa mga partner sa komunidad para paramihin ang trabaho para sa mamamayang may seryosong karamdaman sa isip at/o paggamit ng bawal na gamot at adiksyon na walang tirahan o nasa pabahay na may suportang serbisyo. TEMA 3: Pabahay Mas mataas ang antas na makaranas ng mga karamdaman sa kalusugan ng pag-uugali ang mamamayang walang tirahan at mayroong natatanging hamon kung paano sila magagamot. Pinalala rin ng pandemyang COVID-19 ang mga di-pagkakapantay-pantay na ito. Tumaas ng 22 porsyento ang kawalan ng tirahan sa County ng Alameda mula 2020. Nasa 10,000 ang tinatayang populasyon sa county ng mamamayang nakararanas ng kawalan ng tirahan na may mga SMI at SUD. Mahalagang tandaan na bagamat may makikitang mga karamdaman sa kalusugan ng pag-uugali sa komunidad ng walang tirahan, natuklasan ng kamakailang pananaliksik na mas karaniwang nagiging resulta, sa halip na dahilan, ng kawalan ng tirahan ang mga karamdaman sa kalusugan sa pag-uugali. Ang gastos sa pabahay ang pangunahing sanhi ng kawalan ng tirahan. Bagamat tumatanggap ang ACBH ng pagpopondo para tugunan ang mga pangangailangan sa pabahay, nakalaan ang pagpopondong ito para sa Office of Homeless Care and Coordination para pahusayin ang mga klinikal na serbisyo para sa mga walang tirahan na may mga karamdaman sa kalusugan ng pag-uugali . Posibleng maparami ng ACBH ang mga oportunidad sa trabaho para sa mga indibidwal na nakararanas ng Malalang Karamdaman sa Isip (Severe Mental Illness o SMI), mga Karamdaman sa Paggamit ng Bawal na Gamot (Substance Use Disorders o SUD) na mga walang tirahan . Nakahanda rin ang ACBH na palakasin ang mga relasyon sa iba pang organisasyon at ahensyang nagsasagawa ng pagsisikap para sa trabaho sa mga walang tirahan . REKOMENDASYON 3.1 Makipag-partner sa mga entidad gaya ng Alameda County Workforce Development Board upang palawigin ang mga programang mabisang sinusuportahan ang trabaho, tulad ng Individual Placement and Support (IPS), para sa mga kliyenteng walang tirahan. Makabuluhang nakaiimpluwensya ng mga SMI at SUD ang mga vocational na resulta, partikular para sa mamamayang nakararanas ng kawalan ng tirahan . Nilalayon ng ACBH na makipag-partner sa Alameda County Workforce Development Board upang palawigin ang Individual Placement Support (IPS) para sa mamamayang walang tirahan . “Nagtataguyod ako para sa aking anak na lalaki at sa libu-libong young adult na pagala-gala sa ating mga kalsada, lulong sa droga, ayaw mabuhay, dahil walang lugar para sa kanila. Pinalalala [nila] ang pinsala sa kanilang utak at PTSD mula sa lahat ng karahasang tinitiis nila, at binubunsod. Sa esensya, hindi sila puwedeng tumira sa tirahan kung hindi magagamot. Nakukulong sila, at walang nakukuhang tulong sa kulungan, nagsisiksikin sila, at nag-aaway-away.” Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)25 REKOMENDASYON 3.2 Masuportahan ang disenyo at pagpapatupad ng programa para sa pagpapalawig ng Individual Placement and Support (IPS) sa pamamagitan ng pagsasama ng mga dati at kasalukuyang indibidwal na walang tirahan na may kadalubhasaang natutunan sa karanasan gayundin ng mga na-hire na tagapagtaguyod. “Gawing mga provider ang aming mga kliyente. Ang mga provider ang silang nagsasalita at kumakatawan sa komunidad.” Nakatuon ang ACBH sa pagsasama ng mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan, kabilang ang mga miyembro ng pamilya, sa kanilang pagsisikap na malampasan ang mga kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan ng pag- uugali at mapayaman ang kalusugan ng komunidad . Dahil kinikilala nitong dapat suportahan ng mga panloob na proseso ang inklusyon ng mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan, hinihikayat ng ahensya ang pakikilahok ng indibidwal at ng pamilya sa disenyo at pagpapatupad ng programa para sa mga serbisyong pabahay . Ang Substance Abuse and Mental Health Administration ay nagbibigay ng mga alituntunin para sa paglahok ng mga kliyente at kanilang mga pamilya sa disenyo, pagpapaunlad, at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo . Upang linangin ang pakikilahok ng mamamayang nakaranas ng kawalan ng tirahan pati na rin ang kanilang mga mahal sa buhay, posibleng isaalang- alang ng ACBH ang mga sumusunod: 1 . Salaminin ang prinsipyo ng pagsasama ng mga indibidwal na may kadalubhasaang natutunan sa karanasan at kanilang pamilya sa pahayag ng ACBH ng misyon nito . 2 . Pagtatakda ng mga pamantayan para sa kanilang pakikilahok sa pagpaplano ng programa . 3 . Pagbibigay ng pagsasanay at pagrerekluta ng mga kawani para magsama ng mga indibidwal na may kadalubhasaang natutunan sa karanasan at kanilang mga mahal sa buhay; makakatanggap ang mga kasalukuyang kawani ng coaching sa mga isyung nauugnay sa mga katulad ng kondisyon at pamilya . 4 . Paglikha ng form ng pahintulot na nagdedetalye ng panganib at mga benepisyo ng serbisyo para suportahan ang matalinong pagdedesisyon ng mga recipient . 5 . Pag-imbita ng mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan at kanilang mga pamilya para lumahok sa mga aktibidad ng pagsusuri ng disenyo at suporta . Binigyang-diin ng mga miyembro ng komunidad na lumahok sa pananaliksik na ito na gumagabay sa Estratehikong Plano ang pangangailangan para sa mga na-hire na tagapagtaguyod, partikular sa mga sitwasyong may kinalaman ang mamamayang walang tirahan na nakararanas ng SMI o SUD . Puwedeng gumamit ang ACBH ng mga alituntuning tumutugon sa iba’t ibang kultural na background upang hikayatin ang mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan at kanilang mga pamilya na lumikha ng crisis response team ng mga na-hire na tagapagtaguyod na puwedeng mabilis na tumugon sa mga problema sa komunidad . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)26 REKOMENDASYON 3.3 Palahukin ang mga kabataang nasa transisyonal na edad (transitional-age youth o TAY) at nakatatandang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal sa mga takalayan upang mas maunawaan ang mga pangangailangan at hadlang sa trabaho na nakaaapekto sa pabahay. “Gawing mga provider ang aming mga kliyente. Ang mga provider ang silang nagsasalita at kumakatawan sa komunidad.” Upang mas masuportahan ang mga kabataang nasa transisyonal na edad (transitional-age youth o TAY) at nakatatandang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal na may mga isyu sa kalusugan ng pag-uugali, posibleng makipag-ugnayan ang ACBH sa mga nagpapatuloy na talakayan kasama ang populasyon ito upang palakasin ang mga umiiral na serbisyo sa trabaho, tulad ng IPS (mga programang nakabatay sa ebidensya para sa mga indibidwal na may mga isyu sa kalusugan ng pag-uugali) . Ang pagsuporta sa mga TAY at nakatatandang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal para malaman ang mahahalagang kasanayan ay posibleng mapaigting ang seguridad sa pabahay sa pamamagitan ng mga vocational na inisyatiba . Ang mas mahigpit na pakikipagtulungan sa mga TAY at nakatatandang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal ay makatutulong sa ACBH na mapalago ang kapasidad nito para: 1) hamunin at maksimisahin ang mga oportunidad para sa pagpasok sa puwersa ng paggawa; 2) organisahin ang mga sistema ng suporta na puwedeng magamit; 3) tukuyin ang mga CBO na nagbibigay ng pagpapaunlad ng puwersa ng paggawa at mga serbisyo sa muling integrasyon . Isinasaad ng mga natuklasan sa pananaliksik na ang landas na pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali tungong bilangguan ay nangungunang alalahanin para sa mga komunidad na pinaglilingkuran ng ACBH . Puwedeng magbigay ang ACBH sa mga TAY at mamamayang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal ng espesyalisadong suporta sa kalusugan ng pag-uugali, nang sa gayon ay puwede silang makakuha ng mga serbisyong kailangan nila sa halip na mabitag sa mga siklo ng mahinang kalusugan at pagkakakulong . Ang mga pag-uusap sa partikular na populasyong ito ay posibleng magsama ng, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod: > Pagpapaunlad ng mas mahihigpit na pakikipag-partner sa mga distrito ng eskwelahan para tukuyin ang mga natatanging pangangailangan ng kabataan sa mga priyoridad na komunidad . > Pagbibigay ng nauugnay na edukasyon at impormasyon para sa pagpapaunlad ng puwersa ng paggawa sa mga eskwelahan at kolehiyong pangkomunidad . > Pagtutukoy ng mga SBO na nagbibigay ng mga pansuportang serbisyo sa kabataan at pamilya upang maunawaan ang pinakamahuhusay na kagawian at kung paano maaabot ang mga kabataan at nakatatandang nasa panganib . > Pag-unawa sa mga natatanging hamon sa kalusugan ng pag-uugali na mayroon ang mamamayang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal dahil sa sistema ng parusa at bilangguan . > Pagbibigay ng mga resource sa mga kasalukuyang programa sa pagpapaunlad ng puwersa ng paggawa para sa populasyong ito . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)27 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)28 Tasahin at pahusayin ang mga programa at serbisyo nang sa gayon, ang mga ito ay maging nakatuon sa kabuuan ng tao, nauugnay sa iba’t ibang kultural na background, at nahihikayat ng mga resulta. TEMA 4: Mga Programa Isasaalang-alang ng ACBH ang pagbabawas ng mga hadlang sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsasama ng mga komprehensibong pamamaraan sa mga serbisyo. Hindi lang ang mamamayang nakatatanggap ng mga serbisyo mula sa departamento ang naaapektuhan ng kanilang mga diagnosis. Kinikilala ng ACBH na apektado rin ang komunidad, lalo na ang mga pamilya at caregiver. Dapat isama ang mga mahal sa buhay sa mga soluyon para sa kalusugan ng pag-uugali. Sinusuportahan ng ACBH ang pangangalagang nakatuon sa kabuuan ng tao, tumutugon sa iba’t ibang kultural na background, at humihikayat ng resulta na tumutugon sa ugat ng problema, hindi lamang sa mga sintomas. REKOMENDASYON 4.1Gumamit ng malilikhaing estratehiya, tulad ng pag-hire ng mga Manggagawa ng Kalusugan ng Komunidad (Community Health Workers o CHW) o pag-aalok ng mas maraming klinikal na pagsasanay para sa mga provider upang pahusayin ang pangangalagang tumutugon sa iba’t ibang kultural na background at maalis ang mga hadlang sa pangangalaga sa kalusugan sa lahat ng komunidad. “Mas masusulit natin ang mga manggagawa ng kalusugan ng komunidad – mas malamang na makipag- ugnayan ang mga tao sa kanila at ibahagi ang kanilang mga praktikal na problemang kailangan nila ng tulong para malutas.” Ang mamamayang kapos-palad mula sa komunidad na nangangailangan ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali ay mas handang tumugon sa kapareho nila ng kultura o personal na kasaysayan . Ang pangunahing saligan ng pangangalagang tumutugon sa iba’t ibang kultural na background ay ang diversity ng kliyente at mga kultural na salik ay nakaiimpluwensya sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali . Humahantong sa panganib na makompromiso ang paghahatid ng serbisyo kung mabibigo ang mga provider na unawain ang kanilang posisyon at kung paano hinuhubog ng mga pagkakakilanlan ang mga karanasan ng mga kliyente . Sinasalamin ng data na nalikom sa proyektong ito ang kahalagahan ng pangangalagang tumutugon sa iba’t ibang kultural na background sa pagpapahusay ng mga resulta ng kalusugan ng pag-uugali . “Isa sa mga susing bahagi ng pagbubuo ng tiwala sa gawain sa komunidad ay ang pagpapakita...at pagsasabuhay ng mga kultura ng komunidad.” Upang pagpasok ng mga kawani na may mga karanasang tuwirang natutunan at mga manggagawa ng kalusugan ng komunidad at mapalalim ang epekto ng outreach, nangangailangan ang mga updated na kagawian sa pag-hire ng: > Pagpapaunlad at pagpapalalim ng mga koneksyon at relasyon sa komunidad sa pamamagitan ng direktang pakikipagtulungan sa mga CBO na naglilingkod sa mga komunidad na ito . > Pagsasagawa ng outreach sa at pagrerekluta ng mga di-tradisyunal na partner gaya ng mga lokal na CBO, ng Black Chamber of Commerce, ng Hispanic Chamber of Commerce, gayundin ng mga etnikong fraternity at sorority para paramihin ang mga kandidato . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)29 > Magsaliksik kung paano isasama ang mga patas na kagawian sa pagrerekluta, pag-hire, pag-onboard, at pagtatasa ng mga kawani, na kabibilangan ng pagtatag ng mga landas ng career na isusulong sa loob ng organisasyon . > Pagsasama ng mas patas at inklusibo na kagawian sa pag-hire: lumikha ng mga inklusibong paglalarawan ng trabaho at mga tanong sa panayam na magsasama ng pag-unawa sa institusyonal o istruktural na rasismo at bias at gawing standard ang proseso ng panayam; pagsusuri ng mga minimum na kwalipikasyon para isama ang kadalubhasaang natutunan sa karanasan, mga halimbawa ng trabaho, o on-the-job na pagkatuto sa halip na mga kinakailangan kaugnay ng edukasyon . Nagpapatuloy ang mga stigma at diskriminasyon sa paligid ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali . Mahalaga ang mga pagsisikap para sa outreach at pagrerekluta para sa mga espesyalista sa peer support at manggagawa sa kalusugan ng komunidad sa mga komunidad kung saan pumipigil sa mga tao na makakuha ng suportang kailangan nila ang mga negatibong ideya tungkol sa mga SMI at SUD . Kinakailangan ng pamamaraang ito na linangin ang mga de- kalidad na relasyon na pinaglilingkuran ang mga kawani at mamamayan . Ang mga Espesyalista sa Peer Support at mga Manggagawa ng Kalusugan ng Komunidad ay posible ring makapagbigay ng mga sanggunian sa mga wikang ginagamit, at ng nagpapatuloy na access sa mga sanggunian na partikular sa komunidad na iyon . Puwedeng magkaroon ng access ang mga pamilya at indibidwal sa mga di-nagbabago at regular na serbisyo na angkop sa kanilang mga pangangailangan . “Ang pagrerekluta, pagpapaunlad, at pagsuporta sa pagsasanay ng mga karagdagang Manggagawa sa Katulad ng Kondisyon at sa Komunidad na sumasalamin sa mga komunidad na pinaglilingkuran natin ay kritikal sa pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at pagbabawas ng stigma sa kalusugan ng pag-iisip.” Halimbawa, kinaugalian nang matagumpay ang modelong Promotora sa pag-abot sa mga Hispanic/Latino na komunidad . Puwedeng magamit nang matagumpay ang mga aspeto ng modelong ito sa iba pang komunidad para bumuo ng tiwala, makakuha ng access, at makapag-bigay ng nagpapatuloy na follow-up . Ang kahulugan ng modelong Promotora ay ang sumusunod: “Ang promotora ay miyembro ng Hispanic/Latino na komunidad na nakatatanggap ng espesyalisadong pagsasanay para makapagbigay ng pangunahing edukasyong pangkalusugan sa komunidad nang hindi nagiging propesyunal na manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.[1] Gayong ang karamihan sa kanilang gawain ay nangangailangan ng pagtuturo sa target na audience ng tungkol sa mga isyung pangkalusugang nakaaapekto sa kanilang komunidad, nagbibigay din sila ng patnubay sa pag-access sa mga resource ng komunidad na nauugnay sa pangangalagang pangkalusugan. Kadalasan, mga residente at kinikilalang lider ang mga promotores sa kanilang komunidad na nagtatrabaho para sa mga proyekto sa promosyon ng kalusugang pangkomunidad o bilang bahaging grupo sa pananaliksik. Kung kaya, nagsisilbi ang mga promotores bilang mga tagapag-ugnay ng kanilang komunidad, mga propesyunal pangkalusugan, at mga organisasyon ng serbisyong pantao at panlipunan. Bilang mga tagapag-ugnay, kadalasang gumaganap sila ng mga tungkulin bilang tagapagtaguyod, edukador, mentor, outreach na manggagawa, huwaran, at interpreter. 1” Puwedeng palawigin ang Modelong Promotora sa iba’t ibang komunidad para magbigay ng naaangkop na access sa wika, pakikipag-ugnayan sa kabataan at pamilya, edukasyon at pag-iwas sa mga suliranin kaugnay ng kalusugan ng komunidad, mga pang-edukasyong palihan kaugnay ng kalusugan ng pag-uugali at mga sanggunian, mga libre at naa- access (+nagpapatuloy) na sanggunian ng kalusugan ng pag-uugali sa iba’t ibang wika, at mga kultural na kagawian sa pagpapagaling na lampas sa mga kanluraning pamamaraan sa kalusugan ng pag-uugali na gumagana para sa BIPOC . 1 https://en.wikipedia.org/wiki/Promotora Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)30 REKOMENDASYON 4.2 Lumikha ng mga mas malusog na komunidad sa pamamagitan ng pangangalaga sa kabuuan ng tao, pagbibigay-priyoridad sa mga kultural na kagawian ng pagpapagaling na tumutugon sa trauma, at pagpapalawig ng mga gampanin ng mga pamilya at caregiver sa mga patakaran, disenyo, at kagawian ng programa. Pangangalaga sa Kabuuan ng Tao Bilang isang pampublikong ahensyang pangkalusugan na nakatuon sa pagtugon sa mga hadlang sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan, isinasaalang-alang ng mga provider ng ACBH ang pagsusuri ng maraming salik na nakaiimpluwensya sa kalusugan ng pag-uugali upang makapagbigay ng pangangalaga sa kabuuan ng tao sa halip na panggagamot lang sa mga sintomas . Kabilang sa pangangalaga sa kabuuan ng tao ang pag-unawa sa trauma na nasa ilalim ng mga isyu sa kalusugan ng pag-uugali at mga karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot . Kabilang din dito ang pagyakap sa mga kagawian sa pagpapagaling na tumutugon sa iba’t ibang kultural na background para matugunan ang mga kliyente kung nasaan man sila, mabigyang-priyoridad ang kanilang mga pangangailangan, at tugunan ang mga ugat ng problema sa halip na mga sintomas lang . Sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangalaga ng kabuuan ng tao, pinapagyaman ng mga sistema para sa pangangalagang pangkalusugan ng pag-uugali, pamilya at komunidad ang maselang balanse sa pagitan ng isip, katawan, at diwa sa pamamagitan ng mga nakabatay sa ebidensya na karaniwan at kumplementaryong panggagamot at serbisyo . Sinimulang gamitin ng Department of Health Care Services ng California ang modelong ito noong 2016 . Mga Pamilya at Caregiver “Ang hindi natutugunang isyu ay kung paano pahuhusayin ang pakikilahok ng mga pamilya sa pangangalaga ng kanilang mga mahal sa buhay at kaligtasan ng mga pamilyang kasama sa bahay ang kanilang mga mahal sa buhay. Idinaragdag ko ito kapwa bilang miyembro ng pamilya na labis na naisasantabi, habang, kasabay nito, bilang caregiver ng aking anak na lalaki. Pangarap kong makita ang mga tagapagtaguyod ng pamilya na malalim na nakaugat sa gawain ng mga case management team.” Ang mga miyembro ng pamilya at caregiver na nakapanayam para sa prosesong ito ay pare-parehong may kawalan ng pagkakaunawa o naibubukod mula sa mga plano ng pangangalaga . Gayong ibinubukod ng batas na HIPAA ang mga pamilya na direktang maisangkot sa pangangalaga, puwedeng piliin ng tumatanggap ng panggagamot na maisangkot ang kanilang kapamilya o iba pang caregiver . Sa mga kumukumpleto ng panggagamot, puwede ring makatanggap ang mga pamilya ng mga tagubilin sa pangangalaga pagkatapos ng panggagamot . Nauunawaan ng ACBH na mahirap na karanasan ang mga SMI at SUD kapwa para sa taong ginagamot at sa mga may relasyon sa kanila . Mahalagang bigyang-priyoridad ang mga pamamaraang inklusibo sa mga serbisyo para sa pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga pamilya at caregiver, gaya ng mga programa sa pakikipag-partner sa pamilya . Ang layunin ng pamamaraang ito ay upang tugunan ang ugat na dahilan ng trauma nang sa gayon ay mabuhay ang mamamayan sa malusog na buhay . Mga Kultural na Kagawian sa Pagpapagaling Kinikilala ng ACBH na malalim na nakaugat ang mamamayang pinaglilingkuran nito sa iba’t ibang panlipunang kalagayan at nakararanas ng mga natatanging hamon batay sa kanilang pagkakaposisyon sa lipunan . Ang pagsasama ng kultural na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga kagawian sa tradisyunal na panggagamot ay humihikayat ng integrasyon ng komunidad at pagpapatunay ng mga hanapbuhay ng mga recipient, sumusuportang panggagamot para sa mamayang nakararanas ng mga hadlang sa pag-access sa pangangalaga sa SUD at SMI . Ang mga komprehensibong kagawian sa pagpapagaling na tumutugon sa trauma, gaya ng kagawian sa mga komunidad ng Native American, o iba pang di-Kanluraning pamamaraan, ay sasangguniin at isasama sa mga sinusuportahang komunidad na naghahangad ng mga komprehensibo at alternatibong solusyon sa kalusugan . Ilang halimbawa ng matatagumpay na modelong ito ay kinabibilangan ng: Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)31 > Alameda County Care Care Connect > California Association of Public Hospital and Health System > Native American Health Center Ipinakita ng pandemyang COVID-19 ang pangangailangan para sa mga pampublikong sistema sa pangangalaga ng kalusugan, mga ahensya ng serbisyong panlipunan, at mga CBO para magtulungan na malampasan ang mga hadlang sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . Mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga organisasyon at ahensyang gumagamit ng pangangalaga sa kabuuan ng tao para sa pagbibigay ng de-kalidad na mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat . Puwedeng gamitin ng ACBH ang mga umiiral na ugnayan para makapagpaunlad ng komite ng mga provider na nakikibahagi sa prinsipyo ng pangangalaga ng kabuuan ng tao . REKOMENDASYON 4.3 Makilahok sa community-based participatory research (CBPR) upang maunawaan ang mga natatanging kultural na pangangailangan ng mga programa ng ACBH at upang makakuha ng mga ambag gayundin ng feedback kung paano idinidisenyo at inihahatid ang pangangalaga ng ACBH sa mamamayang pinaglilingkuran nito. “Nananahan malapit sa pangangailangan ang solusyon. Kunin ang mga ideya sa mamamayang nangangailangan ng suporta.” Ang susing natuklasan sa mga pag-uusap kasama ang mga miyembro ng komunidad ay ang mas maigting na pangangailangan para sa ambag mula sa lokal na populasyon upang lumikha ng mga serbisyong tumutugon sa iba’t ibang kultural na background . Ang modelong community-based participatory research (CBPR) ay isang mabisang hakbang para sa pananagutan na kadalasang ginagamit sa mga senaryo ng pampublikong kalusugan . Ang CBPR ay isang pamamaraang nagtutulungan para suriin ang mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali . Kinatatangian ng pagsasamantala sa komunidad ang kasaysayan ng pananaliksik, partikular para sa mga grupong nakararanas ng sistematikong marginalisasyon . Idinisenyo ang CBPR para baguhin ang pananaw na ito sa pamamagitan ng pagbubuo ng tiwala sa pagitan ng mga mananaliksik at ng komunidad . Sa di-tradisyunal na pamamaraang ito sa pananaliksik, nakikilahok ang mga miyembro ng komunidad bilang mga tagapagpadaloy ng proyekto at kalahok . Plano ng ACBH na palawigin ang pag-unawa nito sa mga natatanging kultural na pangangailangan sa County ng Alameda sa pamamagitan ng pagpapalahok sa CBPR ng mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas at gagamitin ang pamamaraang ito sa pananaliksik upang tiyaking may pananagutan ito para sa at makatatanggap ng feedback hinggil sa mga bagay na inilahad sa estratehikong planong ito . Ang mga katangian ng pamamaraang CBPR sa kalusugan ng pag-uugali ay nangangailangan ng1: > Pagkilala sa komunidad bilang yunit ng pagkakakilanlan . > Suporta para sa mga kalakasan ng komunidad . > Pakikipag-partner na pinapaunlad sa lahat ng yugto ng pananaliksik . > Ang integrasyon ng kaalaman at aksyon para sa mutuwal na pakinabang . > Pagtugon sa kalusugan mula sa isang positibo at ekolohikal na pananaw . 1 The National Library of Medicine Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)32 REKOMENDASYON 4.4 Bumuo ng malalakas na pagtatasa sa programa na sumasalamin sa mga prinsipyo ng komunidad; palahukin ang komunidad sa pagdidisenyo ng mga makabuluhang sukatan ng resulta. Ang bentahe ng proseso ng CBPR ay tinutulungan nito ang pagtutukoy sa mga prinsipyo ng komunidad para sukatin ang mga resulta ng programa . Puwedeng isagawa ang pamamaraang ito kasabay ng nagtutulungang pagdidisenyo, na nagsasama sa mga miyembro ng komunidad na gumagampan ng mga gawain kasama ang mga propesyunal na mananaliksik at tagasuri na patuloy na nagtatasa para sa mga pagpapahusay ng kalidad at pinakamahuhusay na kagawian . Nasa ibaba ang halimbawa ng proseso: > Pagkatapos tukuyin ang core group, sisimulan ng mga lokal na partner sa komunidad, mananaliksik, at tagasuri ang proseso ng nagtutulungang pagdidisenyo nang may layuning lumikha ng palitan ng feedback na madalas at patas . > Nakikipagpulong sila sa target na populasyon para magbuo ng mga layunin para sa proyekto, at bilang resulta, tutukuyin ang mga sukatan sa pagsusuri kung alin ang ituturing na tagumpay at kung alin ang hindi . > Ipinipirmi ng team ang mga pamantayan para sa mga sukatan kasama ang target na populasyon, na maaaring ang core group o mga focus group . Tulad ng nabanggit dati, ang mga promotores ay mga miyembro ng komunidad ng Latinx na nagtataguyod para sa mga pangangailangan ng indibidwal at komunidad upang tiyaking natatanggap nila ang serbisyong nararapat sa kanila . Isa itong pamamaraang dalawahang direksyon na tinitiyak na nagsusuportahan ang dalawang partido para lumikha ng matatag at inklusibong sistema ng pangangalaga sa kalusugan para sa lahat . Puwedeng gamitin ng ACBH ang modelong promotores para palahukin ang mga eksperto sa komunidad sa lahat ng pagsisikap ng serbisyo at programa . Halimbawa, nasa pantay na pakikipag-partner ang mga eksperto ng komunidad sa ACBH at nakikilahok sa pananaliksik at pagsusuri ng mga inisyatiba . “Makapangyarihan din ang pamamaraang kolektibong epekto sa paghahatid ng serbisyo, ibig sabihin, gumagamit ang lahat ng ahensya sa serbisyo ng parehong tool sa pagsukat nang sa gayon ay makapagkumpara kami ng mga mansanas sa mga mansanas at mababasa ang data sa parehong paraan. Napakahalaga kung ano ang sinusukat natin.” Kabilang sa pamamaraang dalawahang direksyon ay ang pagiging pleksible sa proseso ng pagpapatupad at pagsusuri, lalo na sa pagpapaunlad ng mga sukatan . Kailangang muling susuriin para sa pagpopondo ang mga proyektong hindi tumutugon sa mga inaasahan at prinsipyo ng komunidad . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)33 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)34 Paigtingin ang patas na pangangalaga sa mga komunidad na kumakaharap ng pinakamalulubhang kawalan ng pagkakapatas sa pamamagitan ng outreach, pagrerekluta, at programa – nananatili ang mga oportunidad para sa pagpapahusay lalo na para sa mga diverse na komunidad ng Asian, Black, at LGBTQIA2S+. TEMA 5: Patas na Pangangalaga Isinasaad ng pananaliksik na isinagawa sa panahon ng proyektong ito na maraming diverse na komunidad sa loob ng County ng Alameda ang kumakaharap ng malalaking kawalan ng pagkakapatas sa usapin ng patas na pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali. Tulad ng nabanggit sa Rekomendasyon 4.1, kritikal na unang hakbang ang paglikha ng tiwala sa pamamagitan ng outreach para matugunan at mabago ang mga sistema ng pangangalaga. Ang mga outreach na tumutugon sa iba’t ibang kultural na background, pagrerekluta ng mga manggagawa sa kalusugan ng komunidad, mga pakikipag-partner sa CBO, at pagpapalalim ng mga ugnayan sa mga indibidwal na kinatawan ng mga komunidad na pinakaapektado ay susuporta sa pagbabago tungo sa mas patas na sistema. REKOMENDASYON 5.1 Paigtingin ang mabisang outreach at pakikipag-ugnayan para sa mga serbisyo sa mga diverse na komunidad ng Asian, Black, (lalo na ng mga lalaki), at LGBTQIA2S+, partikular ang mga interseksyonal na komunidad, gamit ang tradisyunal at di-tradisyunal na mga media source at gayundin ng komunikasyon ng tao sa tao. Ang mga hamon na nararanasan ng mga komunidad na nag-uulat ng pinakamaraming kawalan ng pagkakapatas ay iterseksyonal — tumatawid ang mga ito sa maraming hangganan na may iba’t ibang isyung may kaugnayan sa trabaho, kalusugan, at access sa pangangalaga . Halimbawa, ibinahagi ng mga nakapanayam sa planong ito na mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA2S+ na hindi natutugunan ng mga serbisyo ng ACBH ang mga pangangailangan nila . Patunay ang kanilang kawalan ng pakikilahok sa kawalan ng tiwala ng komunidad ng trans-gender sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali1 . Binanggit din ng iba pang miyembro ng mas malawak na komunidad ng LGBTQIA2S+ ang pakiramdam na bukod-tanging transphobic ang sistema, at hindi ganap na naisalang-alang ang mga kunsiderasyong kultural na may kaugnayan sa mga isyu ng kasarian/sex/lahi/seksuwal na pagkakakilanlan . Mahalagang mapahusay ang mga relasyon sa mga komunidad ng trans-gender at mabawasan ang mga hadlang na nararanasan ng populasyong ito . Kabilang sa mga kasalukuyang programa na puwedeng mapalawig ay ang sumusunod: Side by Side (naglilingkod sa Queer na kabataan), The Pacific Center for Human Growth, at ang East Bay Queer Arts Center . “Kailangang tingnan ang lahat ng desisyon sa pamamagitan ng lente ng pagkakapatas. Kailangang maging Talang Gabay ang pagkakapatas at malalim na nakaugat sa lahat ng mga patakaran. Hubugin ang mga proseso at tool para palaging natatasa kung tumutugon pa sa pagkakapatas. Tukuyin paano magsusukat kung tumutugon sa pagkakapatas. Ano ang mga sukatan? Diversity sa puwersa ng paggawa, diversity sa mga kliyente, atbp. Isaalang-alang ang mga site sa buong county para makakuha ng mga ideya tungkol sa mga sukatan.” 1 Protecting and Advancing Health Care for Transgender Adult Communities Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)35 Kabilang sa iba pang suhestyon na mula sa komunidad para tugunan ang rekomendasyong ito ay kinabibilangan ng pagkuha ng mga tunay na kwalipikadong tao mula sa laylayan upang magmodelo ng mga patas na klinikal na interbensyon: > Ilagay ang mga kliyenteng may karanasang tuwirang natutunan sa direktang koordinasyon ng outreach at mga tungkulin sa counseling para mas mahusay na katawanin ang diversity ng kanilang komunidad at katulad na mga karanasang tuwirang natutunan . Kakailanganin ng mga ito ng pagsasanay, halimbawa, pamumuhunan sa kurso tulad ng Lay Counselors Academy, na nagtuturo ng mga pangunahing kasanayan sa counseling para sa mga di-lisensyadong kawani sa pangangalagang pangkalusugan nang sa gayon ay nababayaran sila nang naaangkop . > Dahil napaka-diverse ng mga karanasan ng mga indibidwal na trans-gender, puwedeng isama sa mga bagong pamamaraan para tugunan ang mga pangangailangan nila ang pagsangkot sa mga pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga mananaliksik na kinikilala ang sarili bilang trans . > Magrekluta ng mas maraming Black ng mga klinikal na manggagawang panlipunan at therapist na direktang naglilingkod sa kanilang komunidad . > Magbigay sa komunidad ng AAPI ng mga pang-edukasyong sanggunian at oportunidad na angkop at tumutugon sa iba’t ibang kultural na background . > Magpaunlad ng estratehiya sa pagrerekluta upang maparami at mapanatili ang mga manggagawa sa kalusugan ng pag-uugali na may kadalubhasaang natutunan sa karanasan sa pamamagitan ng pagsusuri sa pinakamahuhusay na kagawian . “Maraming [mamamayan] ang nakausap ko ang nagbanggit ng sistematiko at istruktural na rasismo at ang pangangailangang magkaroon ng mas maraming Black na therapist at psychiatrist na puwedeng may mga kaparehong background sa lahi.” Puwedeng magmula sa antas ng mamamayan at sa pakikipagtulungan sa ACBH, katulad ng modelong Promotora na binanggit sa itaas, ang mga malikhaing pamamaraan para sa outreach, pagrerekluta, at pagpapatupad para mas mabisang maabot ang mga komunidad na ito . Puwedeng kinabibilangan ito ng, ngunit hindi limitado sa: pagbibigay ng higit na access sa wika, pakikipag-ugnayan sa kabataan at pamilya, edukasyon at pag-iwas sa mga suliraning may kaugnayan sa kalusugan ng komunidad, pang-edukasyong palihan hinggil sa kalusugan ng pag-uugali at ang mga umiiral nang mga sanggunian at pinakamahuhusay na kagawian; libre at naa-access (+nagpapatuloy) na mga sanggunian sa kalusugan ng pag-uugali sa iba’t ibang wika, at mga kultural na kagawian sa pagpapagaling na lampas sa mga kanluraning pamamaraan sa kalusugan ng pag-uugali na gumagana para sa BIPOC at mga sangguniang tumutugon sa trauma . Dahil may mga kakapusan sa mga resource partikular para sa mga komunidad ng Black sa usapin ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali (marami ang nauuwi sa bilangguan sa halip na makatanggap ng naaangkop na panggagamot), iminungkahi ang paglikha ng mga cultural center kung saan puwede silang magtipon at makatanggap ng suporta at mga resource para sa kalusugan ng pag-uugali . Kabilang sa iba pang paraan upang maisagawa ang mabisang outreach ay ang pagtataguyod ng mga serbisyo sa mga tipunan at negosyo ng kultural na komunidad na maaaring maglingkod sa mga komunidad na ito tulad ng mga pagamutan, eskwelahan, serbisyong pabahay, pangkagalingan, at serbisyong panlipunan . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)36 REKOMENDASYON 5.2 Paramihin at pahusayin ang kalidad ng mga nakakatulong at espesyalisadong programa para sa diverse na komunidad ng Asian, Black, at LGBTQIA2S+, partikular ng kabataan. Para mas mabisang matugunan ang mga pangangailangan ng mga diverse na populasyong ito, Puwedeng maganap ang mga sumusunod na aktibidad para mapahusay ang kalidad ng mga sumusuporta at espesyalisadong programa: > Bumuo ng database ng mga kasalukuyan, mabisa, at espesyalisadong programa at magpaunlad ng mga relasyon sa mga susing lider para kapulutan ng impormasyon na puwedeng ibahagi sa mga kasalukuyang umiiral na programa . > Magsaliksik ng matatagumpay na programa at pinakamahuhusay na kagawian para sa mga grupong ito . Halimbawa, may mga partikular na modelo at programa ang California Reducing Disparities Project na direktang nakikipagtulungan sa mga populasyon ng African-American, API, LGBTQIA2S+, LatinX at Native American . Dagdag pa, matatagpuan ang mga pananaliksik ng kabataan na nakabatay sa ebidensya sa Evidence-Based Practices at Community-Defined Evidence Practices Grant ng DHCS . > Magpaunlad ng mga bagong pakikipag-partner sa ganitong uri ng mga CBO upang maisama ang pinakamahuhusay na kagawian sa mga kilala nang programa at bilang bahagi ng kanilang mga pamantayan sa pagpopondo, at gawin ring available ang mga resource na ito sa lahat sa DHCS . > Gawing mas madali para sa mga CBO na ma-access ang pagpopondo na puwedeng makasuporta at makapagpalawig ng mga serbisyong ito sa pamamagitan ng pag-hire ng mga karagdagang manggagawa sa kaparehong kondisyon, gayundin ng pagpagpapadali ng mga proseso sa mga grant sa pamahalaan, at pag- access ng pagpopondo ng pribadong foundation . REKOMENDASYON 5.3 Tiyaking ang mga CBO na may mga positibong pagsusuri sa kanilang mga klinikal na kagawiang tinutukoy ng komunidad ay naisasama sa sistema ng pangangalaga bilang mga tunay na partner; gamitin ang presensya ng CBO para bumuo ng tiwala ng komunidad. Mahalaga ang panlipunang suporta para sa pagbabago ng pag-uugali . Hinihikayat ang ACBH sa pamamagitan ng insentibo para tiyaking umaabot ang mga plano sa pangangalaga sa mga komunidad ng recipient mula sa mga lugar ng pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . Ang pakikipag-partner sa mga CBO para isama ang mga klinikal na kagawian na tinutukoy ng komunidad sa sistema ng ACBH ay sumusuporta sa tagumpay ng mga plano sa pangangalaga . Dagdag pa, tinutugunan ng pamamaraang ito ang mga panlipunang pangangailangan ng recipient ng pangangalagang pangkalusugan, na kadalasang nakakaligtaan . Bagamat napakahahalaga at pinagkakatiwalaang organisasyon ang mga CBO sa mga komunidad dahil may mas madali silang access sa mga miyembro ng komunidad sa labas ng mga klinikal na kalagayan, nagiging hindi nagagamit na kayamanan ang mga ito sa sistema sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . Posibleng estratehikong isama ng ACBH ang mga CBO na nagbibigay ng mga panlipunang serbisyo sa mga residenteng nasa mga plano sa pangangalaga, partikular ang mga recipient na pinakaapektado ng mga kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan . Ang layunin ng pamamaraang ito ay gamitin ang mga relasyon sa CBO upang bawasan ang mga dominanteng kultural at personal na stigma na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . Mababawasan ng mga pakikipagtulungan sa mga CBO ang mga pinansyal na pasaning may kaugnayan sa naaantalang pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali, na nagreresulta sa mga plano sa pangangalaga na mabisa at tumutugon sa iba’t ibang kultural na background, at mas mahusay na kalusugan sa County ng Alameda . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)37 REKOMENDASYON 5.4 Tiyaking makatatanggap ang mga kawaning naglilingkod sa mga komunidad ng LGBTQIA2S+ ng pagsasanay sa kababaang-loob at pagtugon sa iba’t ibang kultural na background upang maarmasan ng mga kasangkapan, termino, at pag-unawa sa pagbibigay ng pangangalagang mapagmalasakit, inklusibo, at patas. Batay sa matatagumpay na modelong nabanggit sa itaas sa 5 .1 at 5 .2 (at mga sanggunian sa ibaba), i-customize ang mga kasalukuyang programa sa pagsasanay na partikular para sa mga kawani ng ACBH, tulad ng ONTRACK Program Resources Training, para tugunan ang kultural na kababaang-loob at pagtugon sa iba’t ibang kultural na background at wasakin ang mga stigma at stereotype sa mamamayan na direkta nilang nakakaugnayan . > Gamitin ang mga kasalukuyang sangguniang available tulad ng ONTRACK kasama ang iba pang matatagumpay na programa sa pagsasanay, gaya ng Community Mental Health Equity Project (CMHEP) . Nagbibigay ang mga ito sa mga departamento ng kalusugan ng pag-uugali at mga organisasyong pangkomunidad ng access sa mga walang gastos na oportunidad sa pagsasanay, teknikal na tulong at sanggunian . > Bilang karagdagan, ang California’s Department of Social Services (CDSS) ay may Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE) webpage na nagbibigay ng higit pang impormasyon at sanggunian para suportahan ang pagtugon sa iba’t ibang kultural na background . Ang LGBTQ Navigating Home Program (na matatagpuan sa webpage ng SOGIE) ay karagdagang sanggunian para suportahan ang mga manggagawa sa kagalingan ng bata at mga departamentong may gawain sa mga bata at kabataang LGBTQIA2S+ at kanilang mga pamilya na nasa pangangalaga ng mga foster na magulang o nasa panganib na maipasok sa pangangalaga . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)38 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)39 Pahigpitin ang pakikipagtulungan at koordinasyon sa pagitan ng ACBH at mga Tanggapan ng Public Defender, District Attorney, Probation, Sheriff, at mga Korte sa Paglutas ng mga Suliranin (Collaborative Court) para tiyaking naisasalang-alang ang mga lalaking Black para maipagamot ang kalusugan ng pag-iisip bilang alternatibo sa pagpapadala sa piitan/bilangguan. TEMA 6: Muling Integrasyon sa Lipunan at Hustisyang Kriminal “Pinalitan na ng mga bilangguan at piitan ngayon ang mga pagamutan bilang mga pangunahing provider sa mga pasyente sa pangangalagang psychiatric.” Nakararanas ang County ng Alameda ng mga pagsubok sa loob ng sistema ng kalusugan ng pag-uugali na lumubha mula nang maisabatas ang Lanterman Act ng 1971, na nag-alis ng pag-iinstitusyonalisa ng mamamayang nakararanas ng mga seryosong karamdaman sa pag-iisip (serious mental illness o SMI) mula sa mga pasilidad para sa kalusugan ng pag-iisip . Sa unang taon ng Lanterman Act, dumoble ang mga indibidwal na may SMI na pumapasok sa sistema ng hustisyang kriminal . Pinakanagdusa mula sa batas na ito ang mamamayan mula sa mga grupong sistematikong naghihirap, lalo na ang mga lalaking Black . Mas marami pang mamamayang nakararanas ng SMI ang nasa mga piitan at bilangguan kaysa sa pinakamalalaking natitirang pampublikong pagamutan . Ang mga kontemporaryong isyu sa sistema ng hustisyang kriminal ay may interseksyon sa mga panlipunang kawalan ng pagkakapatas at sa sistema ng pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali . Ayon sa Alameda County Mental Health Advisory Board, na-diagnose na may SMI ang 22% ng mamamayan sa Santa Rita Jail . Limang beses na mas marami ang mga nakukulong na Black American kaysa sa mga White American . Mga lalaking Black ang nakararanas ng pinakamataas na antas ng pagkakakulong at mas malamang na makaranas ng matinding kahirapan sa loob ng bilangguan, kabilang ang solitary confinement at di-sapat na panggagamot sa kalusugan ng pag-uugali . May interseksyon din ang mga kontemporaryong pagsubok kaugnay ng SMI sa kawalan ng tirahan at sa sistema ng hustisyang kriminal . Itinatampok ng mga realidad na ito ang napakalalim na bias sa loob ng mga institusyong panlipunan sa United States . “Mas karaniwan para sa mamamayang may kulay na pumunta sa Santa Rita Jail at para sa mamamayang White na pumunta sa John George [Psychiatric Hospital]. Bilang resulta, hindi kailanman nakakapasok sa sistema ng pangangalaga ng [kalusugan ng pag-uugali] ang mamamayang may kulay. Pinalalala ang problemang ito ng di-litaw na bias ng mga tagapagpatupad ng batas. Oras na dalhin ang isang indibidwal sa Santa Rita Jail, wala nang landas patungo sa John George mula sa piitan.” Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)40 REKOMENDASYON 6.1Lumikha ng Task Force na pamumunuan ng ACBH na kabibilangan ng mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan at mga komunidad na naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal gayundin ng mga Tanggapan ng Police Department, District Attorney, Probation, Sheriff, at ang mga Collaborative Court upang lumikha ng nagkakaisang pagtanaw at nilalayong resulta para sa pagpapatupad ng Care Act sa County ng Alameda at tiyaking naisasaalang-alang ang mga lalaking Black na maipagamot ang kalusugan ng pag-iisip bilang alternatibo sa pagpapakulong. Bagamat may kasalukuyang pagtutulungan sa pagitan ng ilang ahensya para tugunan ang interseksyon ng kalusugan ng pag-uugali at pagkakakulong, mahalagang isaalang-alang ang mga komunidad na pinakaapektado at may kadalubhasaang natutunan sa karanasan . Magiging kapaki-pakinabang para sa ACBH na magsagawa ng outreach kasama ang iba pang CBO na naglilingkod sa mga komunidad na ito gayundin ang iba pa sa sistema ng hustisyang kriminal na may direktang pakikipag-ugnayan sa mamamayang naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal – kabilang iyong mga nakakulong, nasa muling integrasyon sa lipunan, o mga kapamilya at kaibigan ng mga nakulong . Upang maunawaan talaga ang mga pangangailangan ng populasyong ito, puwedeng tiyakin ng ACBH na mayroon itong namumunong papel sa task force . Dagdag pa, nakikipagtulungan ang probation department ng County ng Alameda sa maraming CBO upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo sa mga usapin gaya ng pabahay, trabaho, mga relasyon sa pamilya, edukasyon, at panggagamot sa pag-abuso sa bawal na gamot, gayundin ng mga pondo para tumulong sa pagbabayad ng renta, pagkain, at transportasyon . Nagbibigay din ang county ng directory ng mga resource para sa muling integrasyon sa lipunan, gayundin ng korte para sa muling integrasyon sa lipunan na tumatanggap ng mga taong naka-parol (mula sa pang-estadong bilangguan) o naka-probation na lumalabag (o nasa panganib na lumabag) sa mga tuntunin ng kanilang superbisyon dahil sa adiksyon o sa mga kasabay na nangyayari . Aktibo nang nakikibahagi ang ACBH sa Mental Health Advisory Task Force (MHAB)/Criminal Justice Committee ng County ng Alameda . Binanggit sa 2020-2021 Taunang Ulat nito ang pagtuon sa mga kondisyon para sa mamamayang nakulong na may karamdaman sa pag-iisip sa Santa Rita Jail, mga pinaraming oportunidad para sa mga diverting na akusado palabas sa sistema ng hustisyang kriminal at papunta medikal na antas na panggagamot ng kalusugan ng pag- uugali na nakabatay sa komunidad na angkop sa kanila, at ang pangangailangan para sa mas mahusay na pagpaplano sa paglabas sa kulungan kapag palabas ang mga akusado sa Santa Rita Jail at/o John George Psychiatric Hospital at sasailalim sa muling integrasyon sa komunidad . Puwedeng lumikha ang pagbubuo ng bagong Task Force (o pagpapalawig ng kasalukuyan) ng mas mahusay na pag- uunawaan sa pagitan ng mga ahensya tungkol sa papel ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali laban sa kung ano ang inihahandog ng sistema ng hustisyang kriminal (na may mga limitadong serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali), at tumugon sa mga patakaran at pamamaraan nang sa gayon ang mga nasa sistema ay makatanggap ng pangangalaga na kailangan nila sa halip sa mabulok sa kulungan . Puwede ring matugunan ng task force na ito ang mga paraan upang maiwasan ang mamamayan na makulong sa una pa lang, gayundin maparami ang mga oportunidad para magbigay ng pagpoprograma na tumutulong na makatugon sa kalusugan ng pag-iisip at trauma sa loob . Puwede rin itong magbigay ng listahan ng mga serbisyo para sa muling integrasyon sa lipunan para suportahan iyong mga babalik sa kani-kanilang mga komunidad . Noong Hunyo 17, 2021, mariing sinuportahan ng MHAB ang Resolusyong “Care First, Jail Last” at hinimok ang Lupon ng mga Tagapangasiwa na ilipat ang kalahati ng pera na dating inilaan sa Santa Rita Jail at aprubahan sa halip ang para sa panggagamot na nakabatay sa komunidad at pabahay na magpapababa ng bilang ng nakukulong na mamamayang may karamdaman sa pag-iisip . Puwede ring magamit ang Task Force na ito para makatulong sa paglikha ng direksyon para sa pagpapatupad ng ACBH ng Community Assistance, Recovery, and Empowerment (CARE) Act . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)41 REKOMENDASYON 6.2 Makipagtulungan sa mga organisasyon para paramihin ang bilang ng mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan na tumutulong sa pagdidisenyo ng mga serbisyo para sa kalusugan ng pag-uugali sa piitan at muling integrasyon sa lipunan, kabilang ang maiinit na “turn-over” para sa mamamayang umaalis sa bilangguan o piitan. May napakalimitadong kawani ang karamihan sa mga bilangguan at piitan na sumusuporta sa mamamayang naninirahan sa loob nang may mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip at pag-uugali . Ang isa sa mga sagot sa pagbibigay ng mga pansuportang serbisyo para sa rehabilitasyon at tumutugon sa trauma ay ang pagdadala ng matatagumpay na programa sa loob ng sistema ng kulungan nang sa gayon ay mapunan ang patlang na iyon at lumikha ng isang tuluy- tuloy na hanay ng pangangalaga mula sa loob palabas . Bagamat mayroon nang ugnayan ng suporta para sa muling integrasyon para sa mga babalik na mamamayan ng County ng Alameda, mas kakaunti ang tuluy-tuloy na hanay ng resource ng pangangalaga para sa mga nakulong sa Santa Rita Jail . Available ang pagpoprogramang hindi gaanong nakakatulong sa rehabilitasyon at pagtugon sa trauma sa sistema ng kulungan ng county kaysa sa sistema ng pang-estadong kulungan, at dahil labas-masok sa kulungan ang mamamayang dumaranas ng SMI, dapat na magkaroon ng boses ang mga komunidad na pinakaapektado . Alam ng mamamayan mula sa mga komunidad na ito – na may kadalubhasaang natutunan sa karanasan o mga naapektuhan ng sistema ng hustisyang kriminal – ang pinakamabibisang paraan para suportahan iyong mga sangkot sa sistema ng hustisya . Inaalis din nito ang paternalistikong pamamaraan ng “pagsasabi” sa mamamayan kung ano ang gagawin nila laban sa pagpapadaloy ng kanilang paglago at pagpapagaling . Mahalaga ang paglayo sa gayong pamamaraan tungo sa isang modelo kung saan mas maraming mamamayang may kadalubhasaang natutunan sa karanasan ang may ambag sa pagpoprograma sa loob ng kulungan at pagkatapos ng paglabas dito . Ang Task Force na iminungkahi sa Rekomendasyon 6 .1 ay puwedeng maging isang paraan para makaugnay sa iba’t ibang ahensya at CBO nang sa gayon ay matukoy ang mga aktuwal na pangangailangan sa loob, at makapagpaunlad ng mga programa na tutugon sa mga pangangailangang iyon . Dagdag pa, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya, puwedeng pasimplehin ang mga bagong patakaran at pamamaraan na pumapayag sa pagpasok sa kulungan ng mga programang nilalahukan ng CBO para mapadali sa mamamayang makatanggap ng mga serbisyo para sa kalusugan ng pag-iisip at pag-uugali na kailangan nila . Para sa komunidad ng Black, nabanggit din na kailangan ng mga lalaki ng sistemang tumutugma sa kanilang kultural na background para suportahan sila sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali at makakabenepisyo mula sa pagkakaroon ng access sa mga lugar na nakakaunawa at may karanasan sa kulturang Black . Ang mga CBO, sa pakikipagtulungan sa mga sistema ng kulungan ay puwedeng magtuwangan para magpaunlad ng mas mabibisang paraan para isagawa ang “maiinit na turn-over” – tagpuin ang mamamayan sa tarangkahan kapag aalis na sila sa kulungan at tinitiyak na makukuha nila ang mga serbisyong kailangan nila at angkop na ugnayan sa komunidad sa isang tuluy-tuloy na hanay ng pangangalaga . Sa halip na bumalik lang sa pagpapalaboy ang mamamayan, mahalaga ang mga programang nag-aalok ng mga serbisyong ito sa transisyon sa loob ng unang 48-72 oras para matigil ang paglalabas-pasok nila sa kulungan . Mahalaga ang mga uring ito ng programa, na kadalasan ay nilalahukan ng komunidad, para suportahan ang matagumpay na muling integrasyon sa lipunan nang sa gayon ay matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali ng mga nagbabalik na mamamayan . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)42 Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)43 Tiyakin ang pagpopondo sa buong sistema na naglilingkod sa mamamayang may magkakasabay na mga kondisyon. TEMA 7: Katanggap-tanggap at Patas na Pamamahagi ng mga Pondo para sa mga Pangangailangan ng MH/SUD Ang mamamayang may magkakasabay na karamdaman sa kalusugan ng pag-iisip at paggamit ng bawal na gamot ay kinakailangang sumailalim sa panggagamot na dalawahang direksyon at koordinado at mga aksyong nagtutulungan sa pagitan ng mga provider. Kinikilala ng ACBH ang mga pagsubok na naranasan ng mamamayang may mga magkakasabay na karamdaman at tinalagahan ng pagpopondo para sa pagbabawas ng mga hadlang sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan sa populasyong ito. Puwedeng linangin ng departamento ang mga bagong pakikipag-partner at palakasin ang mga mayroon na sa loob ng sistema ng serbisyo para magpaunlad ng mga institusyonal na programa at inisyatiba sa patakaran. Kung maipapasa ang SB 326, nasa posisyon ang ACBH na gamitin ang pagpopondo ng Mental Health Services Act sa mga karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot at puwede nitong gamitin ang pleksibilidad na ito para paigtingin ang pagkakapatas sa pagpopondo sa pagitan ng dalawang sistemang ito. Bilang karagdagan, puwedeng mapalalim ng ACBH ang relasyon nito sa mga lokal na CBO at sa Medicaid Managed Care Plan ng county, ang Alameda Alliance for Health, para tugunan ang mga pangangailangan sa referral ng mild-moderate/SMI/SUD at gamitin ang mga sukatan sa pagsusuri para pahusayin ang kalidad ng serbisyo. “Mahal ang hinihingi namin, pero ang mas mahal ay ang pagsasagawa ng mga bagay na hindi gumagana. Pinakamahal ang mga serbisyong pangkrisis. Kumilos nang mas maaga upang maiwasan ang krisis at ang habambuhay na pagkasira na nagreresulta mula sa hindi maagap na panggagamot sa kurso ng karamadaman.” REKOMENDASYON 7.1 Pahigpitan ang mga pakikipag-partner sa mga institusyong tumutugon sa mga interseksyonal na isyu, tulad ng Medi-Cal Managed Care, mga Korte, at ang Tanggapan ng District Attorney, para isama ang at lumikha ng interseksyonal na pagpopondo para sa mga karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot at kalusugan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga resource at pakikipag-partner sa iba pang institusyon, puwedeng maparami ng ACBH ang pagpopondo para suportahan ang mamamayang may interseksyon ang mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali . Nagmumula ang inisyal na tulak para sa higit pang koordinasyon sa pagitan ng ACBH at mga institusyon sa kilusan para palitan ang pangmatagalang psychiatric na pasilidad ng mga pasilidad sa kalusugan ng komunidad para sa mga indibidwal na hindi gaanong umaasa sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-iisip . Kinikilala ng departamento ang di-inaasahang kahihinatnan ng pagbabagong ito . Hindi naghahanap ng tulong ang dumaraming bilang ng mamamayang may MH at mga SUD mula sa mga institusyon ng panlipunang serbisyo dahil puwedeng hindi nauunawaan at puwedeng husgahan ng kawani ang kanilang pag-uugali Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)44 o estado ng pag-iisip . Maaaring palakasin ng ACBH ang mga relasyon sa kanilang lokal na Medi-Cal Managed Care Plan, Alameda Alliance for Health, mga korte, at tanggapan ng DA upang lumikha ng isang proseso ng pag-iisip na may kakayahang suportahan ang mga taong may kasabay na mga kondisyon at matiyak na nakakatanggap sila ng naaangkop na pangangalaga sa pag-uugali sa pamamagitan ng magkakasunod na hanay ng pangangalaga . Kailangan naming makipag-partner sa mataas na antas at isama ang mga Pampublikong Kalusugan at mga Munisipalidad para maghanap ng pagpopondo sa halip na humanap ng paraan kung paano pababayaran ang lahat ng serbisyo sa pamamagitan ng pagpopondo ng MediCal. REKOMENDASYON 7.2 Lumikha ng mga oportunidad para sa nakabalangkas na diyalogo sa pagitan ng mga ahensya sa MH at SUD tungkol sa mga estratehiyang programatiko at pampatakaran upang mapahusay ang pangangalaga sa magkakasabay na kondisyon. “Dumarami ang mga preferral sa pagitan ng mga sistema at napakakapaki-pakinabang nito. Habang mas itinutulak ng county ang pagtutulungan sa pagitan ng mga sistema at pinopondohan ito, mas mahusay itong gagana.” Kumplikado ang mga pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali, partikular para sa mga indibidwal na nakararanas ng magkakasabay na kondisyon . Kung kaya, puwedeng lumikha ang ACBH ng mga oportunidad para sa dalawahang direksyon ng komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya ng MH at SUD upang talakayin ang mga estratehiyang programatiko at pampatakaran para tulungan ang mga indibidwal na apektado ng mga magkakasabay na kondisyon . Puwedeng makabenepisyo ang ACBH mula sa paggamit ng sistema ng multidisiplinaryong case conference para tugunan ang mga pangangailangan sa serbisyo ng mga kliyenteng kadalasang ginagamot ng mga provider para sa MH at SUD . Gayong hindi lumilikha ng bagong pagpopondo ang SB 326 para sa mga serbisyo sa karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot, papayagan nito ang pondo ng MHSA para ilaan sa mga serbisyo at suporta kaugnay ng paggamit ng bawal na gamot . Puwede ring isaalang-alang ng ACBH ang pagpapadaloy ng mga talakayan sa pagitan ng mga ahensyang naghahandog ng mga serbisyo kaugnay ng kalusugan ng pag-iisip at ng karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot upang makatulong na humubog kung paano magbabahaginan ng pagpopondo ng MHSA sa pagitan ng dalawang sistema . REKOMENDASYON 7.3 Paigtingin ang mga pagsisikap na tiyakin ang koordinasyon sa pagitan ng at sa mga CBO para sa pinahusay na transparency at pagbabahagi ng impormasyon para mabisang tugunan ang MH at mga SUD. “Dumarami ang mga preferral sa pagitan ng mga sistema at napakakapaki-pakinabang nito. Habang mas itinutulak ng county ang pagtutulungan sa pagitan ng mga sistema at pinopondohan ito, mas mahusay itong gagana.” Gumagawa ng ugnayan ng suporta ang mga koneksyon sa pagitan ng ACBH at mga CBO . Upang umunlad pa ang mga relasyong ito, kinakailangan nito ng mas transparent na pamamaraan para ibahagi ang impormasyon sa pagitan ng mga sistema nang sa gayon ay matiyak ang tuluy-tuloy na hanay ng pangangalaga para sa mamamayang may mga karamdaman sa kalusugan ng pag-iisip at paggamit ng bawal na gamot . Ang mga CBO sa lokal na antas ay nagbibigay ng kritikal na suporta sa lokal na antas para maghandog ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali na nauugnay sa iba’t ibang kultural na background at ang mga ito ay mahahalaga para higit na maunawaan at mapaglingkuran ng ACBH ang mamamayang may magkakasabay na kondisyon . Pinahahalagahan Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)45 ng ACBH ang epekto ng mga CBO at puwedeng maghangad na suportahan ang transparent na pagbabahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng mga organisasyong ito upang mabawasan ang mga hadlang sa pag-access . Puwedeng makipag-partner ang departamento sa mga pinagkakatiwalaang CBO at gamitin ang kanilang mahahalagang pananaw tungkol sa MH ng komunidad at mga pangangailangang pangkalusugan ng SUD at mapalakas ang pagpapaunlad ng mga nagtutulungang relasyon sa mga opisyal ng pamahalaan sa lokal na antas, sa county, at sa estado . Puwedeng lumikha ang ACBH ng koordinadong pagsisikap para makipagpulong sa mga CBO tuwing ikatlong buwan nang sa gayon ay matiyak ang pag-uunawaan at kahandaang talakayin ang pinakamahuhusay na kagawian . Kakailanganin ng ACBH na i-access at kilalanin ang kapasidad ng mga CBO upang tiyaking hindi napakabigat ng mga pagsisikap na ito . “Ang iba’t ibang pakikipagtulungan ay dapat maging pangunahing pagbabagong kakailanganin. Ginagamit namin ang aming mga resource upang matugunan ang pangangailangang iyon.” REKOMENDASYON 7.4 Suriin ang pagiging mabisa ng mga programa at ilaan ang mga pondo sa mga programa na nagpapakita ng mas mataas na antas ng kalidad at mga resulta na mas makabuluhan sa mga kliyente. Nararapat ang mamamayang nangangailangan ng pangangalaga ng kalusugan ng pag-uugali ng access sa mga serbisyong pinakaangkop sa kanilang mga pangangailangan . Upang mapahusay ang kalidad ng mga programa, puwedeng magplano ang ACBH na lumikha ng diverse na grupo na kabibilangan ng mga tagasuri ng ACBH, kliyente, at miyembro ng komunidad na magtutulungan para tukuyin ang mga mabisang sukatan na makabuluhan sa komunidad at sa pagitan ng lahat ng programa . Gagamitin ang mga sukatang iyon para suriin ang mga umiiral na programa at matatagal nang kontrata habang iniisyu at isinasaalang-alang ang mga Kahilingan para sa mga Proposal (Requests for Proposals o RFP) para sa bagong pagpopondo o ire-renew na pagpopondo . Puwedeng kabilang dito ang pagsasaalang-alang ng higit na pagpopondo para sa mga programang pinamamahalaan ng kapareho ng kondisyon (peer) o kaugnay ng SUD at upang magbigay ng mga kinakailangang resource para mabisang matugunan ang kanilang mga misyon . Nasa pagpopondo para sa mga de-kalidad na serbisyo dapat ang interes at hindi lamang para sa access sa mga programa . “Nagiging pagsubok ang pagiging malikhain. Nais nating lumikha ng mga bagong programa. Gumugugol tayo ng napakaraming oras at pera para pondohan ang mga programang mukhang hindi naman natin dapat tahakin.” Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)46 Mga ApendiksVII. APENDIKS A Mga Dokumento para sa Pagsusuri ng mga Pag-aaral MGA SANGGUNIAN PARA SA ESTRATEHIKONG PAGPAPLANO > Maikling impormasyon sa Misyon, Tinatanaw, at Prinsipyo mula sa ACBH, at gayundin mula sa ACHCSA > Mga Pilot ng ACBH na Nakabatay sa Prinsipyo | ANG IMPORMASYON NG PILOT: Buod ng TAY, Mga May Edad na Nakatatanda, at Kabataan > MHSA 3-taong plano > Bisyon 2026 > Mga Plano sa Inobasyon > Plano sa Kakayahang Tumugon sa Iba’t Ibang Kultural na Background 2019 > Dekreto ng Pahintulot > Data ng mga Hindi Pagkakapantay-pantay (disparities)(di- naproseso at binuod) > Mga Buod ng Session sa Pakikinig > 1/5/22 Buod ng Pagpupulong ng Pamunuan Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)47 APENDIKS B Mga Halimbawang Dokumento para sa Koleksyon ng Data MGA TOOL SA MGA SESYON NG PAKIKINIG NG CIBHS MGA SESYON SA PAKIKINIG NG ALAMEDA COUNTY BEHAVIORAL HEALTH (ACBH) Panimula sa Proyekto ng Pagpaplano Salamat sa paglalaan ng oras para makipagkita sa akin . Lahat kayo ay hiniling na magbigay ng inyong mga pananaw at opinyon habang kami ay lumilikha ng Estratehikong Plano para sa ACBH . Ilan sa mga susing layunin ng ACBH sa paglikha ng planong ito ay ang pag-aalis ng kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan sa pag-uugali sa pag-access sa at kalidad ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali; pahigpitin ang pakikipagtulungan nito sa mga diverse na komunidad sa County ng Alameda; makipag-ugnayan sa iba pang sistema upang makatulong na tugunan ang mga panlipunang salik sa kalusugan ng pag-uugali na pinalulubha ng rasismo, gaya ng di-sapat na pabahay, trabaho, edukasyon, at mas mapanganib na pagkakasangkot sa proseso ng hustisyang kriminal; at tukuyin kung saan may mga kritikal na patlang sa mga programa at serbisyo . Nais naming lumikha ng plano para gabayan ang pagpopondo at mga patakaran upang tugunan ang mga patlang na iyon . Nauunawaan naming naiimpluwensyahan ang kalusugan ng pag-iisip ng maraming salik, gaya ng pabahay at trabaho, na posibleng lumawig lampas sa saklaw at impluwensya ng ACBH . Gayunpaman, upang tiyaking maaaksyunan namin ang feedback na ibinigay sa sesyon sa pakikinig, ang mga sumusunod ang mga usapin kung saan puwedeng magkaroon ng impluwensya ang ACBH . > Uri ng mga serbisyong inihahandog; mga pagbabago sa mga pangunahing klinikal na serbisyo > Uri ng mga organisasyon ng provider na naghahandog ng mga serbisyo > Mga heograpikal na lokasyon ng mga provider na organisasyon > Ang diversity ng lahi at iba pang kultural na diversity ng mga kawaning hina-hire > Kung kailan ia-access ang serbisyo > Mga access point (saan at paano puwedeng ma-access ng mga indibidwal ang mga serbisyo) > Matapat at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa komunidad > Pagbabawas ng di-litaw at tahasang bias sa mga provider > Pagtutukoy at pagbabawas ng mga istruktural na hadlang sa pag-access sa mga serbisyo > Kalidad ng mga serbisyo > Pagsasanay at edukasyong iniaalok sa mga kawani ng county at provider > Pakikipag-partner sa iba pang sistema tulad ng edukasyon, pabahay, pampublikong kalusugan, at pagpapatupad ng batas > Mga resultang sinusukat Umaasa kaming, sa inyong pakikilahok ngayon, makakakuha ang ACBH ng mga pananaw kung paano pinakamahusay na mabigyang-priyoridad at mapapabuti ang mga pagsisikap nito sa mga usaping ito . May mga katanungan ka ba bago natin simulan ang ating sesyon? Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)48 Mga Tanong sa Panayam 1 . Sa kasalukuyang panahong ito, ano sa palagay mo ang dapat unahin ng ACBH upang matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali ng mga diverse na komunidad nito? 2 . Hanggang saan ito nangyayari? 3 . Ano sa palagay mo ang nangangailangang baguhin para mas mahusay na mapaglingkuran ang mga pangangailangan ng komunidad? 4 . Ano ang mga modelong nakita mo, o mga ideyang mayroon ka na makakatugon sa mga hadlang at makakapagbuo ng mas mahusay na mas sistematikong pagkakapatas at hustisya? 5 . Saan mo nais makitang nagbubuo ng pakikipag-partner ang ACBH, at paano nagiging kapaki-pakinabang ang mga pakikipag-partner na ito? 6 . Hanggang saan ang nalalaman mong mga kasalukuyang patakaran, kagawian, at programa ng ACBH? Saan bahagi ang puwede nilang mapahusay? 7 . Sa palagay mo, paano ka makakatulong para maisulong ang pagkakapatas sa loob ng sistema ng kalusugan ng pag-uugali ng Alameda? Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)49 Mga Demokrapikong Tanong ng ACBH Nais naming maunawaan ang mga pagkakakilanlan ng mamamayang lumahok sa focus group. Kumpidensyal ang lahat ng mga tugon at hindi mai-link sa iyong pangalan sa anumang paraan sa aming pag-uulat. Gayunpaman, sa paglalaan ng oras para kumpletuhin ang survey na ito, nais naming magpasalamat sa iyo sa pamamagitan ng pagpasok sa iyo sa isang pagguhit para sa karagdagang gift card, kaya may opsyon kang ilagay ang iyong impormasyon sa pakikipag- ugnayan sa katapusan ng survey na ito. Paano mo kinikilala ang iyong kasarian?  Babae  Lalaki  Non-binary/pangatlong kasarian  Dalawang Espiritu  Ibang pagkakakilanlan kaysa sa mga opsyong ito  Mas gustong huwag ilahad Huwag mag-atubiling ilarawan ang sarili mong pagkakakilanlan ng kasarian kung hindi ito naibigay sa mga opsyon ng tugon sa itaas . Ano ang iyong pagkakakilanlan ng lahi o etnisidad? (lagyan ng check ang pinakamaraming opsyon na naaangkop).  Black  Latinx/Hispanic  Indigenous/Nat.  Asian American/Pacific Islander  White   Ibang pagkakakilanlan kaysa sa mga opsyong ito  Mas gustong huwag ilahad Huwag mag-atubiling ilarawan ang sarili mong pagkakakilanlan ng lahi o etnisidad kung hindi ito naibigay sa mga opsyon ng tugon sa itaas . Paano mo ilalarawan ang iyong seksuwal na oryentasyon?  Bisexual  Bakla o lesbyana  Heterosexual o straight   Mas gustong huwag ilahad  Ibang pagkakakilanlan kaysa sa mga opsyong ito Huwag mag-atubiling ilarawan ang sarili mong seksuwal na oryentasyon kung hindi ito naibigay sa mga opsyon ng tugon sa itaas . Personal ka bang nasangkot sa sistema ng hustisyang kriminal?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Mayroon ka bang problema sa paggamit ng bawal na gamot o adiksyon?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Na-diagnose ka bang may karamdaman sa paggamot ng bawal na gamot at adiksyon?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Naipagamot ka ba dahil sa karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot o adiksyon?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Nakaranas ka ba ng kondisyon kaugnay ng kalusugan ng pag-iisip?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Nakatanggap ka ba ng diagnosis ng kalusugan ng pag-iisip?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Naipagamot ka na ba dahil sa kalusugan ng pag-iisip?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Naranasan mo na bang mawalan ng tirahan?  Oo  Hindi  Mas gustong huwag ilahad Para maipasok sa pagguhit para sa karagdagang gift card, ibigay sa amin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan: pangalan, email, at numero ng telepono: Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)50 TOOL PARA SA FOCUS GROUP NG CIBHS Panimula sa Proyekto ng Pagpaplano para sa mga Miyembro ng Focus Group Salamat sa paglalaan ng oras para makipagkita sa amin . Hiniling namin sa iyong maging bahagi ng kumpidensyal na focus group na ito dahil nais naming makuha ang iyong mga pananaw at opinyon habang lumilikha kami ng 3-taong Estratehikong Plano para sa Alameda County Behavioral Health o ACBH . Makakatulong sa ACBH ang isang Estratehikong Plano na mayroong ambag ng mamamayang pamilyar sa mga serbisyo nito – kapwa positibo at negatibo – na may mga intensyong mas mahusay na matugunan ang mga diverse na pangangailangan ng buong komunidad, mapahusay ang pakikipagkomunikasyon at pakikipagtulungan nito, maisara ng mga patlang sa mga serbisyo, gawing mas naa-access ang mga serbisyo, alisin ang mga kawalan ng pagkakapatas, harapin ang mga problema, at makipag-ugnayan sa iba pang sistemang nakaaapekto sa buhay ng mamamayan . Nauunawaan naming naiimpluwensyahan ang kalusugan ng pag-iisip ng maraming salik, tulad ng pabahay at trabaho, na posibleng walang direktang impluwensya ang ACBH . Upang tiyaking maaaksyunan namin ang feedback na ibinigay sa Focus Group na ito, ang mga sumusunod ang mga usapin kung saan posibleng may impluwensya ang ACBH . > Uri ng mga serbisyong inihahandog; mga pagbabago sa mga pangunahing klinikal na serbisyo > Uri ng mga provider na organisasyon na naghahandog ng mga serbisyo > Heograpikong lokasyon ng mga provider na organisasyon > Diversity ng lahi at iba pang kultural na diversity ng mga kawaning hina-hire > Kung kailan ia-access ang serbisyo > Mga access point (saan at paano puwedeng ma-access ng mga indibidwal ang mga serbisyo) > Matapat at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa komunidad > Pagbabawas ng di-litaw at tahasang bias sa mga provider > Pagtutukoy at pagbabawas ng mga istruktural na hadlang sa pag-access sa at kalidad ng mga serbisyo > Kalidad ng mga serbisyo > Pagsasanay at edukasyong iniaalok sa mga kawani ng county at provider > Pakikipag-partner sa iba pang sistema tulad ng edukasyon, pabahay, pampublikong kalusugan, at pagpapatupad ng batas > Mga resulta na sinusukat nito Umaasa kaming, sa inyong pakikilahok ngayon, makakakuha ang ACBH ng mga pananaw kung paano pinakamahusay na mabigyang-priyoridad at mapapabuti ang mga pagsisikap nito sa mga usaping ito . Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)51 Mga Tanong sa Focus Group 1 . Gaano kadali ang pag-access sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip at/o paggamit ng bawal na gamot sa ACBH? 2 . Sapat ba ang pagtitiwala ninyo at ng inyong pamilya o komunidad sa county kaya nais ninyong ma-access ang mga serbisyo nito? Ano ng makakatulong sa ACBH para makapagbuo ng tiwala sa inyo? 3 . Bukod sa tiwala, kapag nakakaramdam kayo ng pagkalumbay, pagkabalisa, o nakararanas ng iba pang sintomas ng mga problema sa kalusugan ng pag-iisip, mayroon bang anumang bagay na hunahadlang sa inyo para humingi ng tulong mula sa ACBH? 4 . Kung sa mga isyu naman ng paggamit ng bawal na gamot? Kung nag-aalala kayo kung gaano kayo karaming uminom o gumamit ng droga at ang epekto ng mga ito sa inyo, sa inyong pamilya, o sa iba pang aspeto ng buhay ninyo, hihingi ba kayo ng tulong mula sa ACBH? Kung oo, ano ang uri ng tulong ang hihingin ninyo? Kung hindi, ano ang humahadlang sa inyo bukod sa tiwala para humingi ng tulong mula sa ACBH? 5 . Nakapasok na ba kayo sa mga programa o nakakuha ng mga serbisyo mula sa ACBH (outreach, pag-iwas at maagap na interbensyon, pagsusuri at pagtatasa, maikling therapy at counseling, day rehab, suporta ng peer at/o miyembro ng pamilya, mga serbisyo sa krisis, pagpapaospital bilang pasyente, pamamahala ng kaso, o pagsusuri o suportang medikal)? Hanggang saan ninyo nararamdamang nakatulong sa inyo ang mga serbisyong ito at paano? Ano ang kailangang mabago sa inyong buhay para maniwala kayong nakatulong ang ACBH sa inyong kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip o karamdaman sa paggamit ng bawal na gamot/adiksyon? 6 . Batay sa nalalaman ninyo tungkol sa ACBH, sinu-sino ang mahusay ang kalidad na ire-refer mo sa kaibigan o miyembro ng pamilya? 7 . Kung hindi kayo naniniwalang nakatulong ang mga serbisyo sa inyo o sa iba pa sa inyong komunidad, ano ang naging hadlang dito? Ano ang mga pagbabagong inirerekomenda ninyo sa ACBH para makapaghandog mas mahusay na serbisyo, kasama ang mga pagbabago sa suportang partikular sa inyong komunidad? Kapag iniisip ninyo ang iba pang ahensya (trabaho, mga serbisyong panlipunan, pangangalaga ng foster parent, kulungan/bilangguan/probation, atbp .) na naging sangkot kayo, alin-alin ang makakapaglingkod sa inyo nang mas mahusay kung sangkot ang ACBH? Sa paanong partikular na paraan ninyo gustong masangkot ang mga ito? Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)52 ALAMEDA COUNTY BEHAVIORAL HEALTH (ACBH) TOOL PARA SA KEY INFLUENCER INTERVIEW Panimula sa Proyekto sa Pagpaplano para sa mga Key Influencer Salamat sa paglalaan ng oras para makipagkita sa amin . Hiniling namin sa iyong maging bahagi ng key informant interview na ito dahil nais naming makuha ang iyong mga pananaw at opinyon habang lumilikha kami ng Estratehikong Plano para sa ACBH . Ilan sa mga susing layunin ng ACBH sa paglikha ng planong ito ay ang pag-aalis ng kawalan ng pagkakapatas sa kalusugan ng pag-uugali sa pag-access sa at kalidad ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali; pahigpitin ang pakikipagtulungan nito sa mga diverse na komunidad sa County ng Alameda; makipag-ugnayan sa iba pang sistema upang makatulong na tugunan ang mga panlipunang salik sa kalusugan ng pag-uugali na pinalulubha ng rasismo, gaya ng di-sapat na pabahay, trabaho, edukasyon, at mas mapanganib na pagkakasangkot sa proseso ng hustisyang kriminal; tukuyin kung saan may mga kritikal na patlang sa mga programa at serbisyo; at lumikha ng plano para gabayan ang pagpopondo at mga patakaran para tugunan ang mga patlang na iyon . Nauunawaan naming naiimpluwensyahan ang kalusugan ng pag-iisip ng maraming salik, gaya ng pabahay at trabaho, na posibleng lumawig lampas sa saklaw at impluwensya ng ACBH . Gayunpaman, upang tiyaking maaaksyunan namin ang feedback na ibinigay sa key informant interview, ang mga sumusunod ang mga usapin kung saan puwedeng magkaroon ng impluwensya ang ACBH . > Uri ng mga serbisyong inihahandog; mga pagbabago sa mga pangunahing klinikal na serbisyo > Uri ng mga provider na organisasyon na naghahandog ng mga serbisyo > Heograpikong lokasyon ng mga provider na organisasyon > Diversity ng lahi at iba pang kultural na diversity ng mga kawaning hina-hire > Kung kailan ia-access ang serbisyo > Mga access point (saan at paano puwedeng ma-access ng mga indibidwal ang mga serbisyo) > Matapat at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa komunidad > Pagbabawas ng di-litaw at tahasang bias sa mga provider > Pagtutukoy at pagbabawas ng mga istruktural na hadlang sa pag-access sa at kalidad ng mga serbisyo > Kalidad ng mga serbisyo > Pagsasanay at edukasyong iniaalok sa mga kawani ng county at provider > Pakikipag-partner sa iba pang sistema tulad ng edukasyon, pabahay, pampublikong kalusugan, at pagpapatupad ng batas > Mga resulta na sinusukat nito Umaasa kaming, sa inyong pakikilahok ngayon, makakakuha ang ACBH ng mga pananaw kung paano pinakamahusay na mabigyang-priyoridad at mapapabuti ang mga pagsisikap nito sa mga usaping ito . Mayroon ka bang anumang mga katanungan bago namin simulan ang aming pakikipanayam? Estratehikong Plano ng Alameda County Behavioral Health (ACBH)53 Mga Tanong sa Panayam 1 . Sa kasalukuyang panahong ito, ano sa palagay mo ang dapat unahin ng ACBH upang matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng pag-uugali ng mga diverse na komunidad nito? 2 . Hanggang saan ito nangyayari? 3 . Ano sa palagay mo ang nangangailangang baguhin para mas mahusay na mapaglingkuran ang mga pangangailangan ng komunidad? 4 . Sa loob ng mga komunidad na pinaglilingkuran mo, ano ang pumipigil sa kanila para makaranas ng positibong kalusugan ng kaisipan at kagalingan? 5 . Paano mo nakikitang matugunan ng ACBH ang mga hadlang na iyon? Ano ang mga ideyang mayroon ka o narinig mo sa iba pang komunidad? 6 . Paano pinakikinabangan ng mga diverse na komunidad ng ACBH ang mga kasalukuyan nitong patakaran, kagawian, at programa? Saan bahagi ang puwede nilang mapahusay? 7 . Saan mo nais makitang nagbubuo ng pakikipag-partner ang ACBH, at paano nagiging kapaki-pakinabang ang mga pakikipag-partner na ito? 8 . Ano ang iyong mga ideya para sa pagbubuo ng mas mahusay na sistematikong pagkakapatas at hustisya sa buong sistema ng kalusugan ng pag-uugali? 9 . Ano ang mga prinsipyo ang naiisip mo ng puwedeng hangarin ng county pagdating sa kalusugan ng pag-uugali? 10 . Paano sa palagay mong makakatulong ang inyong organisasyon/departamento/ahensya/tanggapan para maiangat ang mga prinsipyong ito? 11 . Mayroon ka bang iba pang naiisip mong dapat isaalang-alang ng ACBH sa panahon ng proseso nito sa estratehikong pagpaplano upang ibayong isulong ang pagtanaw nito, mga prinsipyo, at priyoridad? Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan: www .acbhcs .org