HomeMy WebLinkAbouthow-to-protect-your-health-records-tagalog1
Kung Paano Protektahan ang Iyong Mga Rekord sa Kalusugan
Sa lalong madaling panahon, puwede mo nang makita ang iyong mga rekord sa kalusugan gamit
ang mga karaniwang teknolohiya tulad ng computer, smart tablet, o mobile device. Nagbibigay ang
dokumentong ito sa iyo ng ilang mga pangunahing hakbang upang maprotektahan ang iyong
impormasyon sa kalusugan.
Pagprotekta sa Iyong Personal na Impormasyon:
• Huwag kailanman ibigay ang iyong personal na impormasyon online o sa telepono maliban
kung ikaw mismo ang nakipag-ugnayan sa kompanya at tiyak ka sa pagkakakilanlan ng
negosyo o tao.
• Huwag pumayag sa anumang bagay nang hindi muna sinusuri ang mga katotohanan.
• Kung may taong makikipag-ugnayan sa iyo tungkol sa isang account na kailangang
kumpirmahin, makipag-ugnayan nang direkta sa serbisyo sa customer ng kompanya upang
tiyaking totoo ang tawag o e-mail.
• Huwag kailanman ibahagi ang iyong mga password at credential
• Huwag isulat ang sensitibong impormasyon sa isang papel o notepad na madaling makita
ng iba.
• Gumawa ng password na mahirap hulaan.
• Gumamit ng natatanging mga username para sa bawat miyembro ng iyong pamilya.
• I-set up ang multi-factor authentication (MFA) upang maprotektahan ang iyong mga account.
• Tiyakin ang seguridad ng mga papeles na ibinabahagi sa mga clinician at provider ng
pangangalagang pangkalusugan
Paggawa ng mga Password na Mahirap Hulaan
• Pumili ng password na may hindi bababa sa 8 karakter.
• Huwag pumili ng salita mula sa diksyunaryo.
• Iwasan ang pag-uulit, mga karaniwang sunod-sunod na numero at letra (tulad ng mga
hilera sa keyboard), mga username, tamang pangalan, petsa ng kapanganakan,
address, bahagi ng Social Security number, o anumang bagay na maaaring malaman,
matuklasan, o mahulaan ng iba.
• Haluan ng mga letra at numero, at mas mainam kung may mga simbolo (tulad ng !, @, #, $,
%, &) sa iyong mga password. Gumamit ng malalaki at maliliit na letra kung maaari.
• Iwasang gamitin ang parehong password para sa maraming website o layunin. Huwag
muling gamitin ang mga lumang password.
• Kung may dahilan ka para maniwalang may ibang nakakaalam ng password mo, agad na
palitan ang iyong password.
• Kapag mayroon ka nang password na mahirap hulaan, huwag itong ibahagi sa kahit sino at
huwag isulat sa lugar na maaaring makita ng iba.
• Huwag kailanman ipadala ang iyong password o anumang pribadong impormasyon ng
account sa pamamagitan ng email.
• Palitan nang regular ang iyong mga password, hindi bababa sa isang beses bawat taon.
2
Pag-iingat para sa seguridad ng iyong computer
• I-update ang operating system ng iyong computer at ang software ng browser ayon sa
kasalukuyang rekomendasyon ng manufacturer. Karaniwan na, maaari kang makakuha ng
mga patch mula sa Web at mga abiso tungkol sa mga bagong patch mula sa manufacturer.
• Patakbuhin nang madalas ang maaasahang anti-virus software, lalo na kapag sinasabi ng
software na may bagong proteksyon laban sa virus. At huwag lang basta kumuha ng mga
patch, kumuha rin ng mga bagong bersyon ng anti-virus software nang regular.
• Gumamit ng maaasahang mga anti-spyware tool. Ang spyware ay isang software na
idinisenyo upang mangalap ng impormasyon tungkol sa iyo o pahintulutan ang ibang tao na
ma-access ang iyong computer nang hindi mo nalalaman. Magbibigay ng babala ang mga
antispyware tool kung may sumusubok maglagay ng spyware sa computer mo.
• Iwasang magpatakbo ng hindi pamilyar na software sa computer mo. Kung ibinabahagi mo
ang iyong PC sa ibang tao, kabilang ang iyong mga anak, ipaalam sa kanila ang iyong mga
patakaran tungkol sa pagda-download at pag-i-install ng software.
• Gumamit ng personal firewall software upang protektahan ang iyong PC laban sa pag-
access ng mga hindi awtorisadong tao at upang mapigilan ang paglabas ng impormasyon.
Paggamit ng mga pampublikong computer
• Maging maingat sa paglalagay ng sensitibong personal na impormasyon o sa paggawa ng
mga transaksyon gamit ang pampublikong computer.
• Kung gagamit ka ng pampublikong computer, tiyaking mapagkakatiwalaan ang computer
center. Kung hindi maayos ang seguridad ng computer, puwedeng baguhin ang hardware o
software nito upang makuha ang mga keystroke at iba pang datos na maaaring magbunyag
ng iyong personal na impormasyon, kahit pa gumagamit ka ng secure na website.
• Suriin kung walang ibang nakatingin sa iyong balikat habang inilalagay mo ang iyong PIN o
password o tinitingnan ang anumang personal na impormasyon.
• Huwag i-check ang kahon na “remember your passwords” (tandaan ang iyong password) o
gamitin ang iba pang auto-fill na feature ng browser mo. Ang paggamit ng mga feature na
'yan ay nagpapahina sa seguridad ng iyong password.