HomeMy WebLinkAbouttagalog-ac-covid-19-older-adult-flyer-3-17-20
Alameda County
Emergency Medical
Services Agency
BABALA
COVID-19: ANO ANG DAPAT MALAMAN NG MGA NAKATATANDA
COVID-19 (o novel Coronavirus) ay isang virus na kumakalat sa ating komunidad. Ito ang sanhi ng
lagnat, ubo at problema sa paghinga.
Ilang mga tao ang mas nanganganib at lubhang nagkakasakit kung tamaan ng COVID-19:
• Mga nakatatanda na 60 anyos o higit pa
• Mga tao na meron dyabetes, sakit sa puso, sakit sa baga, kanser o di kaya meron
talamak na problema sa kalusugan
PAANO MAGING LIGTAS:
MANATILI SA BAHAY: Simula ng 3/17/2020, ini-utos ng Alameda County Health Officer na lahat ng mga
residente ay manatili sa kanilang bahay, maliban lamang kung kukuha ng pangangailangan na
pangmedikal, ng pagkain o di kaya mga kailangan na suplay. **Mga taong mas nanganganib ay dapat
manatili sa bahay, maliban lamang kung kailangan ng madaliang alagang medikal. Humingi ng tulong sa
iba tungkol sa pagkain at suplay.**
Sundin ang payo ng pampublikong kalusugan na manatiling ligtas at malusog. Maging mahinahon
ang laging handa
Makinig sa mga kaalamanan. Bawat araw ay may pagbabago. Makinig sa maasahan at na-update
na balita sa bawat araw
Isagawa ang “social distancing” ---dumistansya ng 6 na talampakan sa bawat tao kung ikaw ay
lalabas at iwasan ang mga taong meron sakit
Madalas na hugasan ng sabon ang
kamay ng 20 segundo
Linisin ng disinfectant ang inyong bahay
Iwasan na hawakan ang inyong mukha Mag-ipon ng pagkain at iba pang kailangan na
suplay
Magtakip ng mukha kapag uubo o
babahing
Mag-ipon ng suplay ng gamut para sa 30 araw
Alameda County
Emergency Medical
Services Agency
PAANO MANATILING KONEKTADO:
Magtsek sa telepono o email sa mga kapamilya, mga kaibigan, mga kapitbahay o sa mga
pinagkakatiwalaang kasama.
Kung kayo ay nag-aalala o nag-iisa, humingi ng suportang emosyonal at tawagan ang Friendship
Line: 800-971-0016
Tawagan ang inyong doctor o ang klinik kapag meron kayong lagnat, giniginaw, ubo o maigsi ang
paghinga. Sundin ng maingat ang kanilang payo.
Tawagan ang 911 kung nahihirapan kayong huminga, kung masakit ang inyong dibdib o kayo ay
nalilito at nahihilo.
MGA RESOURCES:
Alameda County Public Health Department
Email: OlderAdultCOVID19@acgov.org
www.acphd.org/2019-ncov.aspx
Centers for Disease Control and Prevention (CDC)
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/specific-groups/high-risk-
complications.html
Ang impormasyon para sa flyer na ito ay mula sa https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/index.html