HomeMy WebLinkAboutfamily-prep-plan-tagalogipinagpapatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 1
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
ISA-ISANG HAKBANG NA
PLANO SA PAGHAHANDA
NG PAMILYA
Ang bawat pamilya ay dapat mayroong Plano sa Paghahanda ng Pamilya (Family
Preparedness Plan) kung sakaling magkaroon ng emerhensiya. Mahalaga para sa mga
imigranteng pamilya na magplano nang maaga at gumawa ng mas kongkretong mga plano
para sa mga pang-imigrasyon na emerhensiya na maaaring mangyari. Halimbawa, ang
Resource Toolkit na ito ay mas idinidetalye ang iba’t ibang opsiyon sa pangangalaga ng bata
na available kung sakaling walang presensiya ng magulang, kung saan maghahanap ng
mapagkakatiwalaang mga serbisyo sa imigrasyon sa iyong komunidad, at kung paano
maghahanda na igiit ang iyong mga karapatan ayon sa konstitusyon sa harap ng isang
opisyal sa imigrasyon.
Ang toolkit na ito ay hinati-hati sa iba’t ibang
bahagi na nagbibigay ng gabay sa
pagpaplano ng pamilya, anuman ang
katayuan sa imigrasyon. Nagbibigay ito ng
karagdagang payo sa mga hindi dokumentado
TANDAAN
GUMAWA RIN ANG ILRC NG MAS PINAIKLI NA
BERSYON NITONG PLANO SA PAGHAHANDA NG
PAMILYA. MAHAHANAP ITO SA PAMAMAGITAN
NG PAGPUNTA SA ILRC.ME/FAMPREP
NOBYEMBRE 2024
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 2
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
at magkakahalong katayuan na pamilya.
Para sa karagdagang mga mapagkukunan ng komunidad na may kaugnayan sa
imigrasyon, bisitahin ang ilrc.me/resources.
UNANG BAHAGI: GUMAWA NG PLANO NG PANGANGALAGA SA BATA
Mahalaga na gumawa ng plano upang mayroong mapagkakatiwalaang nakatatanda na
maaaring mag-alaga sa iyong anak kung hindi mo magagawa. Ang plano na ito ay dapat may
kasamang mga numerong pang-emerhensiya, at file na may kalakip na mahahalagang
dokumento. Kung gusto mo mang makasama ang iyong anak pabalik sa iyong pinagmulang
bansa kung mahaharap sa deportasyon o hinihiling na manatili ang iyong anak sa United
States na nasa pangangalaga ng ibang mapagkakatiwalaang nakatatanda, kinakailangan
mong gumawa ng mga paunang pagpaplano o paghahanda. Ang toolkit na ito ay may
kasamang impormasyon tungkol sa mga opsiyon, lalo na para sa California, na available
upang gumawa ng impormal o pormal na paghahanda o pagpaplano para sa iyong anak.
IKALAWANG BAHAGI: ALAMIN ANG IYONG MGA PANG-IMIGRASYON NA
OPSIYON
Ang pagtuklas sa iyong mga legal na opsiyon upang makakuha ng immigration status ay ang
maaaring pinakamalakas na paraan upang maprotektahan mo ang iyong sarili at iyong
pamilya. Sa panahon ng konsultasyong legal kasama ang isang eksperto sa imigrasyon,
maaari nilang matukoy kung kwalipikado ka para sa partikular na mga proteksiyong pang-
imigrasyon na kasalukuyang available. Kabilang sa toolkit na ito ang impormasyon at mga
mapagkukunan upang makahanap ng mabuting tulong legal sa imigrasyon. Tinatalakay din
sa toolkit na ito kung sino ang maaaring magbigay sa iyo ng payong legal at/o sino ang
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 3
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
maaaring kumatawan sa iyo sa isang usaping pang-imigrasyon.
IKATLONG BAHAGI: ALAMIN ANG IYONG KARAPATAN
Ang lahat — dokumentado at hindi dokumentado — ay may mga karapatan sa bansang ito.
Tiyakin na alam mo, ng iyong mga miyembro ng pamilya (maging mga anak), kasambahay,
kapitbahay, katrabaho, ang kanilang karapatan na manahimik at ang lahat ng iba pa nilang
karapatan. Ang listahan ng mga karapatan na ito, at isang card na iginigiit ang mga karapatan na
ito, ay kasama sa toolkit na ito.
IKAAPAT NA BAHAGI: MGA KARAGDAGAN
Sa huling bahagi ng toolkit na ito, naglagay kami ng mga karagdagang dokumento, checklist,
at iba pang mga materyal na makakatulong sa iyo sa pagpaplano sa paghanda ng iyong
pamilya.
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 4
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
UNANG BAHAGI: GUMAWA NG PLANO NG PANGANGALAGA SA BATA
MAGDESISYON KUNG ANONG URI NG PLANO NG PANGANGALAGA SA BATA ANG GUSTO MONG
ISAGAWA
Mayroong iba’t ibang paraan upang mapagplanuhan na magkaroon ng iba pang
nakatatanda na mag-aalaga sa iyong anak kung hindi mo magagawa. Ang ilan sa mga
opsiyon, lalo na sa California ay:
1. Berbal na Kasunduan: Ang higit na hindi pormal na plano ay kausapin ang iba pang
nakatatanda tungkol sa iyong kahilingan para sa iyong anak at berbal na
mapagkasunduan ninyo na gagawin niya ang iyong kahilingan na alagaan ang iyong
anak kung hindi mo na magagawa. Ang benepisyo nito ay hindi ito pormal at madali –
hindi mo na kinakailangang kumumpleto ng anumang form o legal na mga dokumento, at
ang kasunduan na ito ay hindi makakaapekto sa iyong mga karapatan bilang magulang.
Ang hindi kalamangan ng impormal na kasunduan na ito ay walang legal na awtoridad ang
iyong piniling tagapag-alaga ng anak na gumawa ng medikal o may kaugnayan sa
paaralan na mga desisyon sa ngalan ng iyong anak, na magiging problema kung ikaw ay
na-deport at hindi maaalagaan ang iyong anak sa matagal na panahon.
2. Caregiver’s Authorization Affidavit (“CAA”): Ang susunod na opsiyon sa California ay
hindi lamang ang pagkuha ng berbal na pagsang-ayon ng ibang nakatatanda na alagaan
ang iyong anak sa panahon na hindi mo na magagawa, ngunit kakailanganin na
pakumpletuhin sa nakatatandang iyon ang isang Caregiver’s Authorization Affidavit
(“CAA”), na hahayaan silang gumawa ng partikular na medikal o may kaugnayan sa
paaralan na mga desisyon sa ngalan ng iyong anak. Ang benepisyo ng ganitong
paraan ay mabibigay ang CAA sa paaralan ng iyong anak o tagapagbigay ng
pangangalagang pangkalusugan upang ang iyong piniling tagapag-alaga ay
makakagawa ng partikular na mga desisyon para sa bata, at hindi nito naaapektuhan
ang iyong mga karapatan bilang magulang (mayroon ka pa ring kustodiya at kontrol
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 5
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
sa iyong anak). Ang higit pang impormasyon tungkol sa CAA at ang isang form na
magagamit mo ay nakalagay sa Ikaapat na Bahagi ng toolkit na ito. Mangyaring
tandaan: ang inilakip na Caregiver’s Authorization Affidavit ay magagamit lamang
sa California.
3. Guardianship: Ang pinakapormal na plano ay hayaan ang korte na magtalaga ng isang
guardian para sa iyong anak. Ang benepisyo ng guardianship ay kapag may naitalaga
ng guardian ang California Probate Court, ang taong iyon ay mayroon ng buong legal
at pisikal na kustodiya ng iyong anak, ibig sabihin ay makakagawa sila ng mga
desisyon sa ngalan ng iyong anak. Mangyaring tandaan: Kapag may naitalagang
guardian, hindi nito tinatanggal ang mga karapatan bilang magulang, ngunit
sinususpinde ito habang nakalapat ang guardianship. Ang hindi kalamangan ng
guardianship ay dapat itong tanggalin ng Probate Court upang maibalik ang iyong mga
karapatan bilang magulang. Mangyaring tandaan na dapat kang maghain ng petisyon sa
Probate Court na humihiling sa korte na tanggalin ang guardianship at ang Hukom na ang
magdedesisyon kung ano ang pinakamagandang opsiyon para sa iyong anak.
Tandaan na sa California hindi mo mapagkakaloob sa ibang tao ang guardianship ng
iyong anak sa hindi pormal na paraan o sa pamamagitan ng power of attorney – isang
pang-estadong korte lamang ang makakagawa nito. Ngunit, makakahanda ka ng
Form GC-211 upang magnomina ng partikular na tao na maging guardian ng iyong
anak. Isasaalang-alang ng korte ang Form GC-211 kung at kapag ang isang
petisyon sa guardianship ay inihain. Maaari mo ring bigyan ng bisa ang
nominasyon sa panahon ng iyong pagkakakulong o deportasyon sa
pamamagitan ng pagkumpleto ng nakalakip sa form GC-211 na idinidetalye
kung kailan magiging epektibo ang nominasyon. Ang pagnomina sa ibang tao
na magkaroon ng legal na kustodiya ng iyong anak ay isang mabigat na
desisyon; mangyaring makipag-ugnayan sa isang mapagkakatiwalaang
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 6
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
tagapagbigay ng legal na serbisyo upang makakuha ng karagdagang
impormasyon.
DAPAT TANDAAN TUNGKOL SA POWER OF ATTORNEY
Ang isang power of attorney ay nakasulat na dokumento na maaari mong pirmahan upang
bigyan ng awtoridad ang ibang tao na kumilos sa ngalan mo sa partikular na mga paraan.
Halimbawa, ang isang power of attorney ay maaaring gamitin upang magtalaga ng ibang
tao upang pangasiwaan ang iyong pera, gumawa ng mga desisyon sa negosyo, gamitin ang
iyong pera sa pagbayad ng renta o mortgage, gamitin ang iyong pera sa pangangalaga ng
iyong anak, at iba pang katulad na gawain.
Sa California, hindi namin inirerekomenda na gumamit ng power of attorney upang
magtalaga ng ibang tao na mag-alaga ng iyong anak. Kung ang isang power of attorney ay
magandang opsiyon sa ibang mga estado, sa California, hindi ito magagamit upang maglipat ng
kustodiya ng iyong anak sa ibang tao (ang pang-estadong korte lamang ang
makakagawa nito). Maaaring posible na gumamit ng power of attorney upang bigyang awtoridad
ang ibang tao na gumawa ng mga medikal at pampaaralan na desisyon sa ngalan ng iyong anak,
ngunit sa California, ang pagkumpleto ng Caregiver’s Authorization Affidavit ang mas simple at
mas mababang gastos na paraan upang gawin ang katulad na bagay.
ISULAT ANG MGA TAGUBILIN KUNG ANG IYONG ANAK AY MAYROONG KAHIT ANUMANG
MEDIKAL NA KONDISYON AT/O MAY INIINOM NA ANUMANG GAMOT
Tiyakin na nakasulat ang anumang mga medikal na kondisyon o allergies na mayroon ang
iyong anak, pati ang impormasyon ng doktor at health insurance. Maglagay ng kopya ng
impormasyon na ito sa iyong file ng mga mahahalagang dokumento. Bigyan ng kopya ang
paaralan ng iyong anak at ang nakatatanda na itinalagang alagaan ang iyong anak. Ipaalam
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 7
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
sa iyong anak kung saan mahahanap ang impormasyon na ito kung wala ka.
TIYAKIN NA MAYROONG PASSPORT ANG IYONG MGA ANAK
Kung ipinanganak ang iyong anak sa United States, bisitahin ang www.travel.state.gov
para sa higit pang impormasyon kung paano makakakuha ng U.S. passport. Kung
ipinanganak sa ibang bansa ang iyong anak, tingnan sa embassy o konsulado ang higit pang
impormasyon kung paano makakakuha ng passport.
IPAALAM SA IYONG PAMILYA AT MGA PANG-EMERHENSIYANG KONTAK KUNG PAANO KA
MAHAHANAP KUNG IKINULONG KA NG ICE
Magagamit ng mga miyembro ng pamilya ang ICE detainee locator:
https://locator.ice.gov/odls/#/search upang mahanap ang isang indibidwal na ikinulong ng
ICE. Tiyakin na ang iyong pamilya at mga pang-emerhensiyang kontak ay mayroong
kopya ng iyong A-Number (ang registration number na matatagpuan sa iyong pang-
imigrasyon na mga dokumento na mula sa ICE), kung mayroon ka.
KAUSAPIN ANG IYONG PAMILYA TUNGKOL SA IYONG PLANO
Sa paraan na hindi sila mag-aalala, ipanatag ang loob ng mga anak na may mangangalaga
sa kanila kung sa kahit anumang dahilan ay hindi mo na magagawang alagaan sila, kahit sa
sandaling panahon man. Ipaalam sa kanila kung sino ang mangangalaga sa kanila
hanggang sa magagawa mo na.
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 8
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
IKALAWANG BAHAGI: ALAMIN ANG IYONG MGA PANG-IMIGRASYON NA
OPSIYON
SAAN MAKAKAHANAP NG MGA MAPAGKAKATIWALAANG TAGAPAGBIGAY NG SERBISYONG LEGAL
SA IYONG LUGAR:
Ang pagkuha ng maayos na konsultasyong legal mula sa mapagkakatiwalaang eksperto ay
mahalaga sa pagpaplano sa paghanda ng pamilya dahil mas matutukoy nila kung ikaw ay
kasalukuyang kwalipikado para sa kahit anumang benepisyong pang-imigrasyon. Ang
National Immigration Legal Services Directory ng Immigration Advocates Network ay
naglilista ng mga nonprofit na organisasyon na nagbibigay ng libre o mababang halaga na
mga serbisyong legal kaugnay sa imigrasyon: ilrc.me/findhelp
UNAWAIN KUNG SINO ANG MAKAKAPAGBIGAY NG PAYONG PANG-IMIGRASYON
Ang pinaka-epektibong paraan upang maiwasan ang panloloko sa pagkuha ng legal na
kinatawan ay humanap ng mga tagapagbigay ng serbisyong legal na angkop sa partikular
na mga kinakailangan. Mahirap ito kung hindi mo tiyak kung saan magsisimulang maghanap
o anong uri ng mga tungkulin ang karaniwang ibinibigay ng isang kumakatawang legal sa
isang kliyente. Mayroong dalawang kategorya ng mga indibidwal na nagbibigay ng payong
legal sa isang kasong pang-imigrasyon:
Mga Abogado: Upang makapagsanay sa larangan ng pang-imigrasyong batas, na
isang pederal na batas, ang isang abogado ay maaaring magkaroon ng lisensya sa
kahit anumang estado ngunit kinakailangan ng may bisang lisensya at nasa
‘magandang katayuan’ ayon sa bar association. Makakapagbigay ang mga abogado
ng payong legal, makakatulong na maghain ng petisyon at kahilingan na pang-
imigrasyon, at maging kinatawan ng mga indibidwal sa mga paglilitis sa korte sa harap
ng hukom na pang-imigrasyon. Makukumpirma mo ang mga katibayan ng kakayahan
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 9
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
ng isang abogado sa state bar ng estado kung saan sila lisensiyado. Ang Department
of Justice ay mayroon ding listahan ng mga abogado na hindi na pinapayagang
magsanay: https://www.justice.gov/ eoir/list-of-currently-disciplined-practitioners.
Sertipikadong kinatawan ng Department of Justice (DOJ): Ang isang sertipikadong
kinatawan ng DOJ ay hindi abogado na sertipikado ng DOJ na magtrabaho tungkol sa
mga usaping pang-imigrasyon. Ang indibidwal ay dapat may kaugnayan sa isang non-
profit na kinikilala ng DOJ. Ang isang sertipikadong kinatawan ay makapagbibigay ng
payong legal, maghain ng mga aplikasyong pang-imigrasyon, at, kung may buong
sertipikasyon, maaaring kumatawan sa mga kliyente sa mga paglilitis na may kaugnayan
sa imigrasyon.
ANO ANG DAPAT ASAHAN MULA SA KUMAKATAWANG LEGAL
May tungkulin ang isang tagapagbigay ng serbisyong legal na kumatawan sa bawat kliyente
sa higit ng kanilang makakaya. Ito ang ilan sa pinakamahusay na kasanayan na dapat mong
asahan mula sa tagapagbigay ng legal na mga serbisyo:
Papirmahin ng kontrata: Dapat kang bigyan ng nakasulat na kontrata na
nagbubuod ng mga serbisyo na ibinibigay at anong mga babayaran (kung
mayroon).
Nagbibigay kaalaman tungkol sa iyong kaso: Ang isang tagapagbigay ng serbisyong
legal ay dapat pinapanatili kang may kaalaman tungkol sa usad at katayuan ng iyong
kaso. Dapat nilang ipaliwanag ang benepisyong pang-imigrasyon na kwalipikado ka, ang
proseso ng aplikasyon, at sagutin ang anumang katanungan na mayroon ka.
Kopya ng lahat ng dokumento: Ang isang tagapagbigay ng serbisyong legal ay dapat
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 10
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
kang bigyan ng kopya ng lahat ng mga dokumentong isinumite sa ngalan mo at pati na
rin ang kopya ng anumang ipinadala ng gobyerno na abiso na natanggap na ang inihaing
petisyon o kaso (receipt notice). Hindi dapat sila tumangging bigyan ka ng kopya ng mga
dokumentong ito o ng iyong file. Sa karamihang kaso, hindi ka dapat pagbayarin ng
abogado upang kumuha ng kopya ng iyong file maliban kung sumang-ayon kang
magbayad para sa photocopy ng iyong orihinal na kasunduan.
IKATLONG BAHAGI: ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN
Ang lahat – dokumentado at hindi dokumentadong mga indibidwal – ay may mga
karapatan sa bansang ito. Kausapin ang lahat sa iyong pamilya (kabilang ang mga anak) at
sambahayan upang matiyak na alam nilang lahat ang gagawin kung lapitan ng mga opisyal sa
imigrasyon (ICE) o kung ang mga opisyal ng imigrasyon ay pumunta sa iyong bahay.
NASA PINTUAN ANG ICE. ANO ANG GAGAWIN MO?
Huwag buksan ang pintuan para sa ICE o sinumang pulis kung walang
pirmadong warrant. Hindi mo kinakailangang buksan ang pinto maliban kung ang
ahente ng ICE ay may maipapakitang warrant na pirmado ng hukom na may
partikular at tamang pangalan at address na nakasulat dito. Kung kumatok ang
ICE sa iyong pintuan, hilingin sa kanila na ilusot sa ilalim ng iyong pintuan ang
search warrant o ipakita ito sa bintana. Tiyakin na pirmado ng hukom ang warrant
at nakalagay ang iyong address dito. Kung walang dalang ganito ang ICE o pulis,
hindi mo kinakailangan na buksan ang pinto. Sa oras na buksan mo ang pinto,
nawawala na ang partikular mong mga karapatan.
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 11
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
Laging magtago sa sarili ng Know Your
Rights na pulang card at maglagay sa
may pintuan. Pinapaliwanag ng pulang
card ang iyong mga karapatan at na hindi
mo dapat buksan ang pintuan. Maaari mo
itong ilusot sa ilalim ng pintuan para sa ICE,
ipakita sa ICE, o basahin ang English na bahagi
ng card sa ICE. Sanayin ang iyong mga anak at iba pang miyembro ng pamilya na
ipakita ito o ilusot ito sa ilalim ng pintuan. Makikita mo ang mapi-print sa bahay na pulang
mga card na nasa 14 na wika sa
ilrc.org/red-cards.
HABANG NAKIKIPAG-USAP SA ICE. ANO ANG DAPAT MONG GAWIN?
May karapatan kang manahimik at tumanggi na sumagot sa mga tanong ng ICE.
Sabihin na gusto mong manahimik hanggang hindi mo nakakausap ang isang
abogado, lalo na tungkol sa lugar kung saan ka ipinanganak, katayuan sa
imigrasyon, o kung paano ka nakapasok sa United States. Huwag silang bigyan ng
anumang personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili o sa sinuman sa iyong
pamilya. Sanayin ang iyong mga anak at iba pa sa iyong pamilya at sambahayan
na magsabi ng “Hindi” sa ICE.
Mayroon kang karapatan na tumangging pumirma sa kahit ano nang hindi muna
nakikipag-usap sa isang abogado. Huwag pumirma sa kahit anong hindi mo
naiintindihan at sinasang-ayunan. Maaari nitong matanggal ang iyong karapatan na
makiusap sa isang abogado o magkaroon ng pagdinig sa harap ng isang hukom na
pang-imigrasyon. Maaaring maging resulta nito ang iyong pagkaka-deport agad nang
walang pagdinig. Kung gusto mong manatili sa United States, hilingin na humarap sa
isang hukom na pang-imigrasyon.
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 12
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
Mayroon kang karapatan na kumausap sa isang abogado at karapatan na
makatawag sa telepono. Tiyakin na kabisado o dala ang mga numero ng telepono ng
mga indibidwal na tatawagan kung may emerhensiya. Sa pinakaposibleng paraan, ang
indibidwal na ito ay magagawa ang iyong mga plano at kahilingan, matatawagan ang
iyong pang-imigrasyong abogado, at maaakses ang iyong mahahalagang dokumento.
IBA PANG MAPAGKUKUNAN
Ang Konsulado ng Iyong Bansa: Kunin ang
Kontak na impormasyon ng pinakamalapit na
konsulado ng iyong bansa. Maraming mga
konsulado ang mayroong pang-emerhensiyang
numero para sa mga kasong kailangan ng
agarang tulong. Isulat ang numerong iyon kung sakaling ikulong ka ng ICE.
Mga Know Your Rights na Materyal at Iba Pang Mapagkukunan: Maraming mga
mapagkukunan ang available upang turuan ka tungkol sa iyong mga karapatan. Nasa ibaba ang
ilan sa mga lugar na mauumpisahang tingnan kung gusto mong mas matuto tungkol sa batas sa
imigrasyon:
Immigrant Legal Resource Center (ILRC):
• ilrc.me/resources para sa Mga Paliwanag sa Komunidad
• ilrc.me/protect para sa aming Know Your Rights Toolkit
Informed Immigrant: informedimmigrant.com
National Immigration Law Center (NILC): nilc.org
Immigrants Rising: immigrantsrising.org
TANDAAN
KUNG NAKAKITA KA NG ICE, MANATILING
KALMADO AT HUWAG SUBUKANG
TUMAKAS. KUNG GAGAWIN MO,
MAAARING GAMITIN YAN NG ICE O NG
PULIS LABAN SA IYO.
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 13
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
MGA DOKUMENTO NA DAPAT AT HINDI MO DAPAT NA DINADALA:
Magdala ng may bisang work permit o green card, kung mayroon ka. Kung wala ka
nito, ipinapayo, sa pangkalahatan, na magdala ng municipal ID, state ID, o lisensya
sa pagmamaneho kung inisyu ito ng United States at hindi naglalaman nang kahit ano
tungkol sa iyong immigration status o ang iyong bansang pinagmulan. Tanungin ang
isang lokal na immigration advocate tungkol sa uri ng mga dokumento na ligtas na
dalhin sa iyong lugar.
Magdala ng red card upang igiit ang iyong karapatan na manahimik kung sakaling
pinahinto o kinuwestiyon ng ICE o mga pulis.
Dalhin ang numero ng telepono ng indibidwal na maisasagawa ang iyong mga plano
at kahilingan, matatawagan ang iyong pang-imigrasyong abogado, at maaakses ang
iyong mahahalagang dokumento sa panahon ng emerhensiya.
Huwag magdala ng kahit anumang dokumentasyon tungkol sa iyong bansang
pinagmulan.
Huwag magdala ng pekeng dokumento ng pagkakakilanlan o pekeng mga pang-
imigrasyong dokumento.
IKAAPAT NA BAHAGI: MGA KARAGDAGAN
MGA TAGUBILIN SA CAREGIVER’S AUTHORIZATION AFFIDAVIT (CAA)
Mangyaring Paalala: ang Caregiver’s Authorization Affidavit ay magagamit sa California
lamang.
SINO ANG KUKUMPLETO AT PIPIRMA NG CAREGIVER’S AUTHORIZATION AFFIDAVIT (CAA)?
Ang tao na gaganap bilang tagapag-alaga ng iyong anak ang kukumpleto at pipirma ng
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 14
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
CAA. Hindi kailangan pumirma ang magulang sa CAA. Mainam na ang gusto mong
maging tagapag-alaga ng iyong anak ay paunang punan ang CAA, ngunit hindi
nila ito dapat lagdaan o lagyan ng petsa maliban kung o hanggang sa kailangan
nila itong gamitin.
PAGGAGAMIT NG CAA, SINO ANG MAAARING MAGING ISANG TAGAPAG-ALAGA?
Maaaring manilbihan bilang isang tagapag-alaga ang sinumang tao, kamag-anak o hindi
kamag-anak, may edad na 18 taong gulang at pataas, na kukumpleto ng CAA.
SAAN MAAARING GAMITIN ANG CAA?
Kung kinumpleto ang CAA ng isang hindi kamag-anak, pinahihintulutan ang taong ito na i-
enroll ang iyong anak sa paaralan at magbigay ng pagsang-ayon sa medikal na paggamot
na may kaugnayan sa paaralan. Kabilang sa medikal na paggamot na may kaugnayan sa
paaralan ang mga pagbabakuna, eksameng pisikal at medikal na gagawin sa paaralan.
Kung kinumpleto ang CAA ng isang kamag-anak (kabilang ang isang lolo/lola, tita, tito, o
iba pang kwalipikadong kamag-anak ng menor de edad) pinahihintulutan ang taong ito na
i-enroll ang iyong anak sa paaralan, sumang-ayon sa medikal na paggamot na may
kaugnayan sa paaralan, at sumang-ayon sa karamihan na iba pang pangangalagang
medikal at dental para sa iyong anak.
KAILANGAN BANG MANIRAHAN ANG ANAK KO SA TAGAPAG-ALAGA PARA MAGING BALIDO ANG
CAA?
Oo, kailangan ng iyong anak na tumira sa tagapag-alaga. Kung ang iyong anak ay huminto
na manirahan sa tagapag-alaga, dapat ipagbigay-alam ito ng tagapag-alaga sa anumang
paaralan, health care provider, o health care service plan na nabigyan ng CAA. Wala ng bisa
ang CAA pagkatanggap ng paaralan, health care provider, o health care service plan ng
abiso na ang iyong anak ay hindi na nakatira sa tagapag-alaga.
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 15
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
KAILANGAN BANG IPANOTARYO ANG CAA?
Hindi kailangan ipanotaryo ang CAA. May mga ulat na gusto ng ibang mga paaralan
ang notaryadong kopya ng CAA, ngunit hindi ito iniuutos ng batas. Tandaan din, na
ang tagapag-alaga lamang, hindi (mga) magulang ang pipirma sa CAA.
DAPAT KO BANG IBIGAY NGAYON ANG CAA SA PAARALAN AT MGA MEDICAL PROVIDER NG AKING
ANAK AT HILINGIN SA KANILA NA ITAGO ITO SA KANILANG FILE?
Hindi dapat ibigay ang CAA sa paaralan o mga medical provider ng iyong anak
maliban at hanggang naninirahan ang iyong anak sa tagapag -alaga, at ang
magulang ay wala para gumawa ng mga pasiya sa paaralan at medikal na
desisyon para sa iyong anak.
NAWAWALAN BA NG BISA ANG CAA?
Ang CAA ay hindi nawawalan ng bisa. Ngunit, kung nagbago ang anumang impormasyon
sa form, kinakailangang gumawa ng panibagong form ang tagapag-alaga.
KUNG GUSTO KONG IBANG TAO ANG MAGKUMPLETO NG ISANG CAA PARA SILA
MAKAGAWA NG ILANG MGA DESISYON PARA SA AKING MGA ANAK DAHIL WALA AKO,
ANONG MGA HAKBANG ANG DAPAT KONG GAWIN?
Una, dapat mong tukuyin ang taong gusto mong maging tagapag -alaga ng iyong
anak.
Sumunod, dapat mong kausapin ang taong iyon kung ano ang ginagawa ng
CAA (binibigyan sila ng kapangyarihan para gumawa ng ilang mga desisyon
sa paaralan at medikal sa ngalan ng iyong anak), at kung ano ang hindi
nito maga gawa (hindi sila nito binibigyan ng legal na kustodiya ng iyong anak,
ipinagpatuloy...
ipinagpatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 16
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
guardianship sa iyong anak, o ma-access ang iyong anumang mga pinansiyal na
mapagkukunan para pangalagaan ang iyong anak).
Panghuli, dapat hilingin sa taong iyon na kumpletuhin ang isang CAA, ngunit dapat
maghintay sa pagpirma at paglagay ng petsa hanggang ito ay kinakailangang gamitin.
Dapat itago ng tagapag-alaga ang CAA sa isang ligtas na lugar, at dapat magtago ng
kopya sa iyong file ng mga mahalagang dokumento sakaling hindi mahanap ng
tagapag -alaga ang kanila ng kopya kung kinakailangan.
MAAARI BANG GAMITIN NG TAGAPAG-ALAGA ANG CAA PARA AYUSIN ANG PAGLAKBAY NG AKING
ANAK SA AKING BANSANG PINAGMULAN KUNG SAKALING AKO AY IPA-DEPORT AT MAGPASYA NA
ISAMA ANG AKING MGA ANAK?
Hindi, ang CAA ay nagbibigay lamang ng pahintulot sa tagapag-alaga na gumawa ng mga
desisyon na may kaugnayan sa paaralan at mga medikal na isyu para sa iyong anak.
Kumonsulta sa embahada o konsulado ng iyong bansang pinagmulan para sa
impormasyon tungkol sa pagpapadali ng paglalakbay ng iyong anak papunta sa iyong
bansang pinagmulan kung hindi mo siya sasamahan.
KAILANGAN BA ANG TAGAPAG-ALAGA NG AKING ANAK AY MAYROONG KATAYUANG PANG-
IMIGRASYON SA UNITED STATES?
Hindi. Sa pinakamagandang sitwasyon, ang taong magiging tagapag-alaga ng iyong
anak ay hindi rin dapat nasa panganib na ma-deport o makulong. Dapat mayroong
driver’s license ng California o isang identification card (ID) ang taong ito. Kung walang
driver’s license ng California o ID, dapat silang handang magbigay ng ibang uri ng
pagkakakilanlan tulad ng numero ng social security o ng Medi-Cal.
1 ipinagpapatuloy sa susunod na pahina
CAREGIVER’S AUTHORIZATION AFFIDAVIT
Ang paggamit sa sinumpaang salaysay ay sang-ayon sa Part 1.5 (nag-uumpisa sa
Section 6550) ng Division 11 ng California Family Code.
Mga Tagubilin: Ang pagkumpleto ng bilang 1-4 at pagpirma sa sinumpaang
salaysay ay sapat na upang magpahintulot ng enrollment ng isang menor de edad sa
paaralan at pagpayag sa pangangalagang medikal na kaugnay sa paaralan. Ang
pagkumpleto ng bilang 5 hanggang 8 ay dagdag na kailangan para sa pagpayag ng
iba pang pangangalagang medikal. Kumpletuhin lamang ang numero 5 hanggang
9 kung ikaw ay kamag-anak ng bata. I-type o i-print nang malinaw.
Ang menor de edad na pinangalanan sa ibaba ay nakatira sa aking (tagapag-alaga)
tahanan at ako ay may edad na 18 taong gulang o pataas.
1. Pangalan ng menor de edad:
2. Petsa ng kapanganakan ng menor de edad:
3. Aking pangalan (hustong gulang na nagbibigay ng awtorisasyon):
4. Address ng aking tahanan:
5. [ ] Ako ang lolo, lola, tita, tito, asawa, stepparent, kapatid na lalake,
kapatid na babae, stepbrother, stepsister, half-brother, half-sister,
pamangkin na babae, pamangkin na lalake, pinsan, lolang tiyahin,
lolong tiyuhin, lolo o lola sa tuhod, lolang tiyahin sa tuhod, lolong tiyuhin
sa tuhod ng menor de edad, o asawa ng anumang mga taong ito.
6. I-check ang isa or pareho (halimbawa, kung isang magulang ay napayuhan at
ang isa ay hindi mahanap):
[ ] Pinayuhan ko ang (mga) magulang o ibang (mga) tao na may legaI na
kustodiya ng menor de edad ng aking hangad na magpahintulot ng
pangangalagang medikal, at wala akong natanggap na pagtutol.
2 ipinagpapatuloy sa susunod na pahina
ipinagpatuloy...
[ ] Hindi ko makontak ang (mga) magulang o ibang (mga) tao na may legal na
kustodiya ng menor de edad para ipaalam sa kanila ang hangad kong
awtorisasyon.
7. Petsa ng aking kapanganakan:
8. Ang numero ng aking California driver’s license o identification card:
Ipinapahayag ko sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling sa ilalim ng mga batas ng Estado
ng California na ang nabanggit ay totoo at tama.
Petsa: Pirma:
MGA ABISO
1. ANG PAGPAPAHAYAG NA ITO AY HINDI MAKAKAAPEKTO SA MGA KARAPATAN NG MGA MAGULANG NG BATA O KANYANG
LEGAL NA TAGAPAG-ALAGA NA TUNGKOL SA PANGANGALAGA, KUSTODIYA, AT KONTROL NG BATA AT HINDI NAGBIBIGAY
SA TAGAPAG-ALAGA NG LEGAL NA KUSTODIYA NG BATA.
2. ANG SINUMANG UMAASA SA SINUMPAANG SALAYSAY NA ITO AY WALANG OBLIGASYON NA GUMAWA NG
KARAGDAGANG PAGTATANONG O PAGSISIYASAT.
KARAGDAGANG IMPORMASYON:
PARA SA MGA TAGAPAG-ALAGA:
1. “KWALIPIKADONG KAMAG-ANAK”, PARA SA MGA LAYUNIN NG NUMERO 5, AY NANGANGAHULUGANG ISANG ASAWA, MAGULANG,
STEPPARENT, KAPATID NA LALAKE, KAPATID NA BABAE, STEPBROTHER, STEPSISTER, HALF-BROTHER, HALF-SISTER, TITO, TITA,
PAMANGKIN NA BABAE, PAMANGKIN NA LALAKE, PINSAN, O SINUMANG TAONG TINUTUKOY NA LOLO O LOLA, O ASAWA NG
SINUMANG TAO NA TINUKOY SA DEPINISYONG ITO, KAHIT HINDI NA KASAL DAHIL SA KAMATAYAN O PAGSASAWALANG-BISA NG
KASAL.
2. KUNG IKAW AY HINDI KAMAG-ANAK O KASALUKUYANG HINDI LISENSIYADO, SERTIPIKADO, O PINAHINTULUTAN MAGING
KAHALILING MAGULANG, KAILANGAN MONG KUMUHA NG RESOURCE FAMILY APPROVAL NA SANG-AYON SA SEKSIYON 1517 NG
HEALTH AND SAFETY CODE O SEKSIYON 16519.5 NG WELFARE AND INSTITUTIONS CODE PARA MAG-ALAGA NG ISANG MENOR DE
BABALA: HUWAG PIRMAHAN ANG PAPELES NA ITO KUNG ANUMANG MGA PAHAYAG SA ITAAS AY MALI, O
IKAW AY MAKAGAWA NG KRIMEN NA MAPARUSAHAN NG MULTA, PAGKAKULONG, O PAREHO.
3
ipinagpatuloy...
EDAD. KUNG IKAW AY MAY MGA ANUMANG TANONG, MANGYARING IPAALAM SA IYONG PANLOKAL NA DEPARTMENT OF SOCIAL
SERVICES.
3. KUNG ANG MENOR DE EDAD AY HUMINTO NA TUMIRA SA IYO, KAILANGAN MONG IPAALAM SA ANUMANG PAARALAN,
HEALTH CARE PROVIDER, O HEALTH CARE SERVICE PLAN KUNG SAAN MO NAIBIGAY ANG SINUMPAANG SALAYSAY NA ITO.
MAWAWALAN NG BISA ANG SINUMPAANG SALAYSAY PAGKATAPOS MATANGGAP NG PAARALAN, HEALTH CARE PROVIDER,
O HEALTH CARE SERVICE PLAN ANG ABISO NA ANG MENOR DE EDAD AY HINDI NA NAKATIRA SA IYO.
4. KUNG WALA KANG IMPORMASYON NA HINILING SA NUMBERO 8 (CA DRIVER’S LICENSE OR I.D.), MAGBIGAY
NG IBANG URI NG PAGKAKAKILANLAN TULAD NG IYONG SOCIAL SECURITY NUMBER O MEDI-CAL
NUMBER.
PARA SA MGA OPISYAL NG PAARALAN:
1. ISINASAAD SA SEKSIYON 48204 NG EDUCATION CODE NA ANG SINUMPAANG SALAYSAY NA ITO AY SAPAT NA
BATAYAN PARA MATUKOY ANG PANINIRAHAN NG MENOR DE EDAD, NA HINDI NA KINAKAILANGAN ANG
UTOS NG GUARDIANSHIP O KUSTODIYA, MALIBAN KUNG NALAMAN NG SCHOOL DISTRICT ANG TUNAY
NA KATOTOHANAN NA ANG MENOR DE EDAD AY HINDI NA NAKATIRA SA TAGAPAG-ALAGA.
2. MAAARING KAILANGANIN NG SCHOOL DISTRICT ANG DAGDAG NA MAKATWIRANG EBIDENSIYA NA ANG TAGAPAG-
ALAGA AY NAKATIRA SA ADDRESS NA NAKALAGAY SA NUMERO 4.
PARA SA HEALTH CARE PROVIDERS AT HEALTH CARE SERVICE PLANS
1. KUNG KUMILOS ANG TAO BATAY SA BUONG PANINIWALA SA SINUMPAANG AWTORISASYON NG
TAGAPAG-ALAGA NA MAGBIGAY NG PANGANGALAGANG MEDIKAL O DENTAL, NA WALANG PANSARILING
ALAM SA KATOTOHANAN NA KONTRA SA SINAAD SA SINUMPAANG SALAYSAY, AY WALANG
PANANAGUTANG KRIMINAL O SIBIL SA SINUMANG TAO, AT HINDI MAPAPAILALIM SA AKSIYONG
DISIPLINANG PANGPROPESYONAL DAHIL SA PANINIWALANG IYON KUNG KUMPLETO ANG NAAANGKOP
NA BAHAGI NG FORM.
2. HINDI NAGKAKALOOB NG DEPENDENCY ANG SINUMPAANG SALAYSAY NA ITO PARA SA MGA LAYUNIN
NG HEALTH CARE COVERAGE
ipinagpapatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 20
ipinagpatuloy...
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
MAHALAGANG IMPORMASYON NG BATA
Panatilihin ang impormasyong ito upang ang itinalaga mong mag-alaga sa iyong mga anak
kapag wala ka ay magkakaroon ng lahat ng impormasyon na kailangan nila. Kumpletuhin, itago,
at i-print ng kopya bawat isang bata sa iyong sambahayan.
Pangalan ng Bata:
Petsa ng Kapanganakan:
Numero ng Cell Phone ng Bata (kung
naaangkop):
Pangalan ng Paaralan:
Address ng Paaralan:
Numero ng Telepono ng Paaralan:
Pangalan ng Guro:
Numero ng Telepono ng Guro at/o Email (kung
naaangkop):
Numero ng Classroom:
Afterschool Program
(kung naaangkop):
Numero ng Telepono ng Afterschool
Program (kung naaangkop):
Iba Pang Camp/Sports/Program:
Numero ng Telepono ng Iba Pang
Camp/Sports/Program (kung naaangkop):
Allergies:
Mga Kondisyong Medikal:
Medikasyon:
Numero ng Telepono ng Doktor:
Address ng Doktor:
Health Insurance Info:
MAAARING KUMPLETUHIN ANG DOKUMENTONG ITO NANG DIGITAL GAMIT ANG PDF VIEWER/EDITOR O
MAG-PRINT AT KUMPLETUHIN GAMIT ANG ASUL O ITIM NA TINTA.
ipinagpatuloy sa susunod na pahina
ILRC.ORG PAHINA 21
ipinagpatuloy...
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
MGA NUMERONG PANG-EMERGENCY AT MAHALAGANG CONTACT
INFORMATION
Panatilihin ang impormasyong ito sa isang lugar na madali mong makukuha o ng iyong
pamilya.
MGA NUMERONG PANG-EMERGENCY
Agarang Emergency 911
Police Department
Fire Department
Poison Control
MGA KONTAK SA PAMILYA
Nanay/Magulang/Guardian
Telepono sa Bahay
Cell/Mobile na Telepono
Address sa Trabaho
Telepono sa Trabaho
Tatay/Magulang/Guardian
Telepono sa Bahay
Cell/Mobile na Telepono
Address sa Trabaho
Telepono sa Trabaho
Iba Pang Emergency Contact
at Relasyon
Cell/Mobile na Telepono
Iba Pang Emergency Contact
at Relasyon
Cell/Mobile na Telepono
Iba Pang-emergency na
Kontak at Relasyon
Cell/Mobile na Telepono
ipinagpatuloy...
ipinagpapatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 22
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
IBA’T IBA PANG MGA KONTAK
Doktor
Numero ng Telepono
Health Insurance Company
Policy Number
Pediatrician
Numero ng Telepono
Health Insurance Company
Policy Number
Dentista
Numero ng Telepono
Dental Insurance Company
Policy Number
Consulate (Konsulado)
Address
Numero ng Telepono
Abogado/Nonprofit Legal
Services Provider
Address
Numero ng Telepono
Simbahan/Temple/Mosque/
Lugar ng Pagsamba
Address
Numero ng Telepono
ipinagpatuloy...
ipinagpapatuloy sa susunod na pahina ILRC.ORG PAHINA 23
ITINUTURO, BINIBIGYANG KAHULUGAN,
AT BINABAGO ANG BATAS MULA 1979
RESOURCE
TOOLKIT
TALAAN NG MGA MAHAHALAGANG DOKUMENTO
Panatilihin ang talaan o kopya ng mga dokumentong ito sa isang ligtas na lugar.
Sabihin sa iyong mga anak, kapamilya, at mga emerhensiyang tagapag-alaga kung
saan mahahanap ang talaan na ito kung may emerhensiya.
[ ] MGA PASAPORTE
[ ] BIRTH CERTIFICATES
[ ] MARRIAGE LICENSE (KUNG NAAANGKOP)
[ ] CAREGIVER’S AUTHORIZATION
AFFIDAVIT
[ ] ANUMANG RESTRAINING ORDER (UTOS NG
PAGPIGIL) NA MAAARING MAYROON KA
LABAN SA SINUMAN (KUNG NAAANGKOP)
[ ] A-NUMBER AT ANUMANG MGA
DOKUMENTONG PANG-IMIGRASYON (WORK
PERMIT, GREEN CARD, VISA, AT IBA PA)
[ ] MGA DOKUMENTO NA NAGPAPAKITA NG
IYONG PANINIRAHAN SA UNITED STATES AT
ANG TAGAL NA PANAHON KUNG KAILAN
IKAW AY PISIKAL NA NANDITO SA UNITED
STATES
[ ] DRIVER’S LICENSE AT/O IBA PANG
IDENTIFICATION CARDS
[ ] SOCIAL SECURITY CARD O NUMERO NG
ITIN
[ ] REHISTRO NG KAPANGANAKAN (PARA SA
IPINANGANAK SA U.S. AT REHISTRADO SA
BANSA NG MAGULANG) (KUNG NAAANGKOP)
[ ] MGA MAHALAGANG IMPORMASYON NG
MGA ANAK
[ ] MGA NUMERONG PANG-EMERGENCY
AT MAHALAGANG CONTACT
INFORMATION
[ ] IMPORMASYONG MEDIKAL NG MGA
BATA, KASAMA ANG HEALTH INSURANCE,
LISTAHAN NG MGA GAMOT, AT CONTACT
INFORMATION NG DOKTOR
[ ] IBA PANG MGA DOKUMENTO NA
GUSTO MONG MABILIS NA MAHAHANAP