HomeMy WebLinkAboutalameda-social-services-agency-medi-cal-tagalogHuwag Mawalan ng
Medi-Cal Coverage!
Simula sa Abril 2023, panatilihing covered ka at ang
inyong pamilya sa pamamagitan ng pagsagot at
pagsusumite ng inyong Medi-Cal renewal packet.
Noong Marso 2020, ipinatigil muna ang proseso ng Medi-Cal renewal,
at pinanatili ang coverage ng mga benepisyaryo ng Medi-Cal dahil sa
kinakailangang patuloy na coverage sa Medi-Cal. Matatapos na ang
patuloy na coverage sa Marso 31, 2023.
Ipagpapatuloy ng Alameda County Social Services Agency ang
proseso ng Medi-Cal renewal simula sa Abril 2023. Kung hindi ninyo
sasagutan at isusumite ang inyong renewal packet, baka mawala
sa inyo ang inyong Medi-Cal coverage simula sa Hulyo 1, 2023.
Kung wala kayong natanggap na Medi-Cal renewal packet o abiso na
na-renew na ang inyong Medi-Cal, kumontak o bumisita gamit ang
alinmang paraang nakalista sa likod.
Ipagpatuloy ang pagbasa para malaman ang higit pa
Paano ako makakahingi ng tulong sa pagsagot
at pagsusumite ng aking Medi-Cal Renewal?
Makakahingi kayo ng tulong sa pagsagot sa inyong renewal sa kawani ng
Social Services Agency sa aming mga opisina. Bukod pa rito, ang mga
organisasyong nakabase sa komunidad na nakalista sa HealthyAC.org ay
mahihingian ng tulong sa pagsagot at pagsusumite ninyo ng inyong
Medi-Cal renewal.
Ano ang dapat kong gawin?
Bilang benepisyaryo ng Medi-Cal, kailangan ninyong ireport ang alinmang
pagbabago sa inyong contact information (halimbawa and address ng bahay at
para sa mail, numero ng telepono, at email) sa Social Services Agency.
Pagsigurado itong matatanggap ninyo ang mga form at abiso na ipinapadala sa
inyo kaugnay ng inyong pagiging kuwalipikado sa Medi-Cal.
Ipapadala sa inyo ang inyong renewal packet at kailangan ninyong isumite ito
bago matapos ang buwan ng inyong renewal. Dapat na maireport sa inyong
renewal ang alinmang pagbabago sa sitwasyon ng inyong sambahayan kagaya
ng kita, pagbubuntis, o bagong miyembro ng sambahayan.
Paano ko maisusumite ang aking Medi-Cal renewal?
Kapag nasagutan na ninyo ang mga form sa inyong renewal packet, may
ilang paraan ng pagsusumite nito.
Mga Lokasyon ng Opisina
Eastmont Self-Sufficiency Center
6955 Foothill Blvd.
Oakland, CA 94605
Enterprise Self-Sufficiency Center
8477 Enterprise Way
Oakland, CA 94621
Gail Steele Multi-Service Center
24100 Amador St.
Hayward, CA 94544
North Oakland Self-Sufficiency Center
2000 San Pablo Ave.
Oakland, CA 94612
Livermore Self-Sufficiency Center
2499 Constitution Dr.
Livermore, CA 94551
Fremont Office
39155 Liberty St., Ste. C330
Fremont, CA 94536
Online
MyBenefits CalWINmybenefitscalwin.org
Alameda County Virtual Kioskvirtualkiosk.acgov.org/#/agency/welcome
Fax
510-670-5095
Sa Sulat
Puwedeng ipadala sa sulat sa
alinmang opisina ng Social
Services Agency na nakalista
sa kanan
Harap-harapan
Pumunta sa alinman sa aming
mga opisina na nakalista sa
kanan