HomeMy WebLinkAboutecm-fact-sheet-tagalog-adaPinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga (Enhanced
Care Management, ECM) ng CCS
Fact Sheet
Ano ang ECM?
•Ang ECM ay bagong benepisyo para sa mga kliyenteng may Medi-Cal.
•Libre ang ECM.
•Ang ECM ay nagbibigay ng karagdagang suporta nang higit sa sinasakop ng CCS.
•Ang bawat kwalipikadong kliyente ay magkakaroon ng Lead Care Manager.
•Ang mga Lead Care Manager ay nakikipagtulungan sa mga kliyente at pamilya para tumulong sa
mga pangangailangan sa buhay at kalusugan. Nakikipag-usap din sila sa mga Nurse ng CCS at
ibang provider para tulungan ang mga kliyenteng makuha ang pangangalagang kailangan nila.
Para alamin pa, tumawag sa CCS ECM Helpline ng Alameda County: 510-208-1030 o mag-
email sa CCSECM@acgov.org.
Sino ang maaaring makakuha ng ECM?
Mga kliyente ng CCS na mga miyembro ng Alameda Alliance o Kaiser Medi-Cal AT kung sino ang
may iba pang alalahanin na nakakaapekto sa kanilang kalusugan, tulad ng:
•Walang bahay
•Mga pangangailangan sa pagkain
•Mga isyu sa kalusugan ng isip o pagkalulong sa droga o alak
•Mga pagpunta sa ospital
Paano makakapag-apply ang mga kliyente para sa ECM?
• Dapat maaprubahan ang mga kliyente para sa ECM ng kanilang plano sa Medi-Cal (Alameda
Alliance o
Kaiser).
• Ang mga miyembro ng Alameda Alliance ay maaaring humiling ng ECM sa
pamamagitan ng pagtawag sa Alameda Alliance Case Management Department sa
510-747-4512.
• Ang mga miyembro ng Kaiser ay maaaring humiling ng ECM sa pamamagitan ng pagtawag sa
1-833-721-6012 (TTY 711).
• Bisitahin ang CCS ECM web page para sa mga link sa mga referral form:
https://tinyurl.com/ACPHD-CCS-ECM.
Tawagan ang Alameda County CCS ECM Help Line (510-208-1030) para makakuha ng tulong sa
pag-aapply para sa ECM.
Paano nakakatulong ang Alameda County CCS sa ECM?
•Ang CCS ay nagbibigay ng mga serbisyo ng ECM para sa mga kliyenteng inaprubahan ng Alameda
Alliance. Ang mga kliyente ay maaari ring pumili ng ibang provider ng ECM na nakikipagtulungan sa
Alameda Alliance.
•Ang mga kawani ng CCS ay maaaring tulungan ang mga miyembro ng Kaiser na mag-apply sa Kaiser
ECM.
Alameda County California Children’s Services | 1100 San Leandro Blvd, San Leandro, CA 94577 2026